^

PSN Opinyon

BANTAY KAPWA - Chelation therapy ni Dr. Art Estuita (Ika-3 sa serye)

- Cielito Mahal Del Mundo -
NANINIWALA ang mga chelationists sa mundo (mahigit na 1,500 chelationists meron sa United States) na sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle kabilang na ang diet and detoxification process of physical, mental and biochemical, ang mga arteries o mga ugat na barado ay unti-unting umuunlad kaya ang daloy ng dugo ay nanunumbalik sa dati at ito’y hindi na nangangailangan ng bypass surgery.

Ang chelation therapy ay kaugnay ng hindi paninigarilyo, masusing inihandang pagkain, pag-eehersisyo at pag-iwas sa anumang bagay na magdudulot ng galit, pag-aalala at pangamba. Ang pagsasagawa ng regular exercises ay nakatutulong ng malaki dahil kapag pinagpapawisan ay lumalabas ang mga toxic chemical wastes. Bukod pa rito, ang pag-eexercise ay magpapaganda ng katawan at nagpapalakas. Trabaho rin ng mga chelationists na idetoxify ang ating pag-iisip. Ang mga pasyenteng sumasailalim sa chelation therapy process ay binibigyan ng mga panuntunan para matamo ang pagkakaroon ng matiwasay at walang agam-agam na kaisipan, ang kapasidad upang makalikha na nagbubuhat sa mayamang imahinasyon gayundin ang pagdarasal at ang pagpapatawad. Napatunayan na kapag may galit sa ating puso, may kinikimkim tayong pagkainis, sama ng loob at paghihiganti sa ating kapwa ay mabigat ang ating dibdib.

Ang panalangin at pagpapatawad ay malaking bagay sa pagtatamo ng katiwasayan. Mismong si Dr. Randy Byrd ng San Francisco General Hospital sa US ang nagpatunay na ang panalangin ay naging mabisang panggamot sa mga karamdaman sa puso, alta-presyon at mga komplikasyon nito. Sinasabi na ang panalangin ay napakabisa. Prayer is God’s moving power at dakila ang magpatawad. (Itutuloy)

vuukle comment

BUKOD

DR. RANDY BYRD

ITUTULOY

MISMONG

NAPATUNAYAN

SAN FRANCISCO GENERAL HOSPITAL

SINASABI

TRABAHO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with