^

PSN Opinyon

HALA BIRA! - Labanang Erap at Chavit umaanghang

- Danny Macabuhay -
LALONG nagiging masalimuot ang nagaganap ngayon sa Pilipinas dahil sa expose ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na kinasasangkutan ni President Erap at kaibigan nitong si Atong Ang tungkol sa ilegal na jueteng at sa legal na Bingo 2-Ball.

Mula nang ipahayag ni Cardinal Jaime Sin ang kanyang panawagan na makabubuti sa bayan kung magre-resign na sa kanyang posisyon si Erap, biglang dumami ang nakiisa sa Cardinal.

Ayon sa mga surveys, nakahihigit sa mamamayang Pilipino ang naniniwala na ang pagbaba lamang ni Erap bilang Presidente ang magpapanumbalik sa mabuting kaayusan ng Pilipinas.

Natural lamang na marami rin ang sumasalungat sa panawagan ng Cardinal. Bilang nakaupong Presidente malawak pa rin ang impluwensiya ni Erap. Hindi maikakaila na marami ang nakikinabang sa kanyang administrasyon.

Para sa mga ito, mahirap tanggapin na mawawala sila sa poder at sa makapangyarihang kandungan ng Malacañang.

Kung kaya’t may mga sektor na naniniwala na hindi magbibitiw si Erap dahil lamang sa paratang na ito’y ‘‘gambler’’ at may kahina-hinalang karakter.’’

Sinasabi rin ng mga taga-Erap na hindi tama ang pag-uudyok ni Cardinal Sin na mag-resign si Erap sapagkat hindi pa tapos ang imbestigasyon sa mga akusasyon ni Singson.

May mga umaasa na darami pa ang mga titiwalag sa partido ni Erap tulad nina Sen. Ramon Magsaysay, Rep. Roilo Golez at Gov. Joey Lina. Hinuhulaan din ang pagbibitiw sa pamahalaan ng ilang Cabinet members tulad ng ginawa ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.

Upang maipakita ni Erap sa bansa na siya ay gumagawa ng hakbang na kaluluguran ng mamamayan, inihayag niya noong Sabado na ipatitigil na niya ang lahat ng sugal at ipagbibili na ang PAGCOR sa pribadong sektor.

Katulad ng inaasahan, may mga natuwa sa pahayag na ito ni Erap ngunit mas marami ang nag-aalinlangan na hindi ito ang solusyon sa nagaganap ngayon sa ating bansa.

vuukle comment

ATONG ANG

CARDINAL JAIME SIN

CARDINAL SIN

CHAVIT SINGSON

ERAP

ILOCOS SUR GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with