^

PSN Opinyon

Editoryal - Sa sugal pa rin ang bagsak

-
SUGAL din ang kahahantungan ng balak na pagsasapribado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Isa ito sa problema ng Estrada administration, walang direksiyon kapag ang sugal ang pag-uusapan. Kung hindi pa may ibinulgar si Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson tungkol sa jueteng payola ay hindi mayayanig at matatauhan si Estrada. Pinatitigil niya ang "pagbangka" ng gobyerno sa lahat ng sugal. Ito ay pagkaraang maging "instant bayani" ang jueteng lord na si Singson makaraang ibulgar na nagkakamal si Estrada at pamilya nito ng milyong piso mula sa jueteng. Kung agad-agad ay gumawa ng aksiyon si Estrada sa kontrobersiyal na isyung ito, hindi makakaladkad ang kanyang pangalan na naging dahilan din para matakot ang mga foreign investors at bumagsak ang piso na umabot na sa P48.50.

Umaksiyon si Estrada subalit mabagal at ngayong balak isapribado ang PAGCOR may butas namang nakikita rito. Ang PAGCOR ang nagpapatakbo ng jai-alai, on line Bingo, casino, at Bingo 2-Ball na pinagmulan ng away nina Singson at Charlie "Atong" Ang kaya nabulgar ang jueteng payola. Sa balak na pagsasapribado ng PAGCOR, maaaring ang mga malalapit na kaibigan na naman ni Estrada ang makikinabang dito. Kapag nagkaganito, patuloy din ang sugal at baka mas lumala pa sa dati. Gaya ng ipinahayag ni Sen. Ernesto Herrera, kung isasapribado ang PAGCOR maaaring bilhin ito ni Atong Ang at bilhin naman ni Dante Tan, isa pang kaibigan ni Estrada ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang mangyayari’y magpapalit lamang ng hahawak pero sugal pa rin ang magpapatakbo sa buhay ng mga Pilipino – lalo sa mga mahihirap na nagluklok kay Estrada.

Hindi ititigil kundi isasapribado lamang ang mga sugal. Kung talagang may direksiyon ang pamahalaan at nais na maging malinis ang sambayanan bakit hindi na lamang itigil ang lahat ng sugal. Mas ligtas pa ang balak na ito at sasang-ayunan ng taumbayan. Gaano na ba karaming Pilipino ang nalulong sa sugal na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya. Napatunayan na rin naman ni Estrada kung gaano ang kontrobersiyang nilikha ng jueteng sa kanyang pangalan ano at ipagpapatuloy pa ang mga sugal na ito. Kung nais niyang mabura sa isipan ng taumbayan ang mga ibinulgar ni Singson, huwag na niyang hayaan pang mangibabaw ang sugal. Mas makabubuti kung lilikha ng mga pagkakakitaan ng taumbayan na makatutulong para sila umunlad at ganoon din sa bansa. Panahon na para hindi iasa ng taumbayan ang kanilang kinabukasan sa "game of chance".

vuukle comment

ATONG ANG

DANTE TAN

ERNESTO HERRERA

ESTRADA

ILOCOS SUR GOV

KUNG

SINGSON

SUGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with