^

PSN Opinyon

Balitang SPECIAL - Barumbadong mayor nanakal at nanutok ng baril

- Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nanakal at nanutok ng baril ang isang barumbadong mayor sa Central Luzon?

Ayon sa aking bubuwit, 75 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Sorsogon Rep. Francis Escudero, Emily Lopez, Bro. Dong delos Santos, Roman Tolentino Sr., Col. Louie Ticman ng Rizal PNP at kay Lola Rosita Guevarra ng Iwahig Sur Colony.

Happy anniversary naman kina Usec. Elmer at Susan Mercado.

Binabati ko rin sina Insurance Comm. Eduardo Malinis, Mr. Pedro "Noy" Dy-Liacco, Sandra Puno, Au Alipao ng Nestlé Philippines at Jerry de Jesus ng PAL.
* * *
Alam n’yo bang sumusobra na ang pagiging barumbado ng isang mayor sa Central Luzon?

Ayon sa aking bubuwit, sinakal at tinutukan ng baril ni Mayor ang operations manager ng Natural Resources Development Corp. (NRDC), sa San Fernando, Pampanga noong Oct. 9, 2000.

Nagalit pala ang barumbadong mayor nang sitahin ng mga pulis ng NRDC ang tatlong trucks nito na may kargang buhangin. Sangkot pala sa illegal quarrying si Mayor. Dati ay meron siyang lisensya mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) subalit nag-expire na. Sa kabila ng expiration ng kanyang permit para mag-quarry, ito ay ipinagpatuloy pa rin.

Ginagamit pa niya ang pangalan ni DENR Sec. Tony Cerilles na may go signal diumano sa kanyang quarrying operations. Pero nang i-verify sa opisina ni Cerilles, wala naman palang blessing. Patay kang bata ka!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagalit si Mayor nang sitahin ng mga tauhan ng NRDC ang tatlong trucks. Kasama ang kanyang mga bodyguards, sumugod sila sa tanggapan ng NRDC sa San Fernando, Pampanga at dire-diretso sa opisina ng Operations Manager na si Mr. Carlos Alejandrino. Tinutukan kaagad si Mr. Alejandrino ng baril ng dalawang bodyguards ni Mayor. Pagkatapos ay sinapak at sinakal ni Mayor si Mr. Alejandrino.

Ito ay nangyari sa harapan ng isang Dr. Manuel Bamba at ilang empleyado ng NRDC. Siguro, kung walang mga saksi ay baka tinadtad na ng bala ang kawawang manager.

Ang yabang-yabang mo naman, Mayor? Gov. Lito Lapid, pakibatukan nga itong napakayabang mong mayor sa Pampanga?

Ayon sa aking bubuwit, ang barumbadong mayor na nanapak, nanakal at nanutok ng baril sa isang manager ng NRDC ay walang iba kundi si...

Dapat siguro dito kay Mayor ay ibaon sa buhangin. Sabagay, sinampahan na siya ng kaso.

Ang barumbadong mayor ay walang iba kundi si Mayor Ernesto Punzalan ng Mexico, Pampanga.

vuukle comment

AU ALIPAO

AYON

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DR. MANUEL BAMBA

EDUARDO MALINIS

MAYOR

MR. ALEJANDRINO

PAMPANGA

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with