^

PSN Opinyon

Hindi pa tapos ang LABAN - Saan patungo ang bansang puro sugal ?

- Mike Defensor -
ANG pagsisiwalat ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa umano’y pagkasangkot ng Malacañang sa operasyon ng jueteng ay malaking isyung kailangang sagutin ni President Estrada. Ayon sa deklarasyon ni Singson, ang mga jueteng lords sa Northern Luzon ay regular na nagbibigay sa Malacañang ng perang galing sa jueteng. Ang mga akusasyong ito ay kinakailangang pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas. Kung ito ay mapatutunayan, si Estrada ay maaaring matanggal sa puwesto dahil ito ay labag sa Konstitusyon at sinumpaang tungkulin.

Ang pagsisiwalat na ito ay nagpapahiwatig ng uri, layunin at patutunguhan ng pamahalaan. Nakalulungkot isipin na ang pamahalaan ay diumanong tumatanggap ng lagay mula sa ilegal na sugal taliwas sa kanyang sinasabing kampanya laban sa jueteng. Kaya’t ang pangyayaring ito ay maituturing na pagtanggap ng pamahalaan sa iba’t ibang klase ng sugal sa bansa. Upang maituring itong legal, kailangan lamang ng basbas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Anupaman ang magandang layunin ng pamahalaan sa operasyon ng mga legal na sugal ang moralidad pa rin nito ang isyu rito. Ang perang maaaring maipon dito ay galing pa rin sa perang pinaghirapan ng taumbayan. Sa huli, ang taumbayan pa rin ang talo rito.

Sa mga pangyayaring ito, muling nabibigyan ng dahilan ang kumpiyansa ng taumbayan sa pamahalaan. Ang integridad at kredibilidad ng pamahalaang itaguyod ang interes ng bayan at bansa ay muling nasa bingit. Maraming tanong ang bumabalot sa kaisipan ng taumbayan sa maaaring patunguhan ng bansa. Ano nga ba ang kahihinatnan ng bansa kung ang mga opisyales na nagpapatakbo nito ay marunong magkompromiso sa moralidad, interes at kapakanan ng mga mamamayan?

vuukle comment

ANO

ANUPAMAN

AYON

ILOCOS SUR GOVERNOR CHAVIT SINGSON

MALACA

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with