^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi malutas na problema sa baha

-
NOONG nakaraang Sabado, marami na naman ang umiyak at nagmura dahil sa problemang idinulot ng baha. Ang biglang pagbaha ay nagdulot ng grabeng trapik na nagpaulol sa galit ng mga empleadong papasok sa kanilang trabaho. Marami ring estudyante ang naipit at hindi nakapasok sa kanilang klase. Marami ang nagsipaglakad na lamang sapagkat hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. Sa Blumentritt, Dapitan, Dimasalang, España at Sta. Cruz area ay hanggang tuhod ang tubig sa kabila na hindi naman kalakasan ang ulan. Hindi madaanan ang ilang mababang lugar kaya nagkanya-kanyang lusot ang mga sasakyan na lalo pang nagpalubha sa trapik na umabot hanggang hatinggabi. Ala-1 na ng madaling araw ay marami pa ring commuters ang nag-aabang ng sasakyan.

Walang bagyo o anumang sama ng panahon noong Sabado at katunayan, sa ilang bahagi ng Quezon City ay napakaganda ng sikat ng araw. Nagulantang na nga lamang ang mga taga-Maynila nang biglang umulan at sa maikling sandali’y nagbaha na kaagad. Ang problemang ito sa tinagal-tagal na ng panahon ay hindi malunasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). At tila hindi naaantig ang kalooban ng mga namumuno sa DPWH kahit na murahin ng taumbayang sawang-sawa na sa problema ng baha. Maging si President Estrada ay hindi rin nakaligtas sa mga pagmumura ng taumbayan at hinihiling na lunasan ang problemang ito.

Ang pagbaha noong Sabado ay nagpapakita lamang na walang silbi ang flood control program ng pamahalaan. Paano kung panahon na ng tag-ulan, e di mas lalong problema ang idudulot ng pagbaha. Noong nakaraang taon, sa katindihan ng pagbaha ay sinabi ni Estrada na magkakaroon ng flood summit. Subalit wala ring nangyari rito. Pawang laway lamang ang lahat at sa katotohana’y walang ginagawang mabisang paraan kung paano malulunasan ang matanda nang problemang ito.

Sa bawat batikos sa DPWH ay marami rin silang dahilan kung bakit hindi ganap na malutas ang pagbaha sa Metro Manila. Kamakailan ay sinabi ng mga DPWH officials na may mga pumping stations sa Metro Manila ang hindi na magamit dahil sa kalumaan. Idinadahilan din nila ang kakulangan ng pera para sa flood control. Ang tanong: Saan ginagamit ang perang galing sa amusement taxes na nakokolekta sa mga sinehan. Hindi ba’t laan ito para sa flood control? Mababaw na dahilan. Maraming magagawa ang DPWH kung magiging seryoso lamang sa problema ng baha. Higit sa lahat sila ang tanging pinagbubuntunan ng sisi sa tuwing babaha. Hanggang kailan ba magtitiis sa problemang ito ang mga taga-Metro Manila?

vuukle comment

CRUZ

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MARAMI

METRO MANILA

PRESIDENT ESTRADA

QUEZON CITY

SA BLUMENTRITT

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with