^

PSN Opinyon

Balitang SPECIAL - Miyembro ng 'Midnight Cabinet' ni Erap laging talunan sa mahjong

- Deo Macalma -
ALAM n’yo bang parating talunan sa mahjong ang isang miyembro ng ‘‘Midnight Cabinet’’ ni President Erap Estrada?

Ayon sa aking bubuwit, 77 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Mayor Edward Hagedorn ng Puerto Princesa City; Atty. Eddie Jara, VP for Mindanao ng SSS at Director Jose Ma. Antonio Tuano ng House of Representatives.

Congratulations sa mga participants ng KBP-Metro Manila Chapter seminar workshop sa Puerto Princesa.

Maraming salamat kina Mayor Edward Hagedorn and Mayora Ellen sa kanilang suporta sa aming seminar. Ang theme ng naturang KBP seminar ay tungkol sa role ng media as Guardians of the Environment.

In behalf of the officers and staff ng KBP Metro Manila Chapter, kami ay lubos ding nagpapasalamat sa mga resource speakers na kinabibilangan nina Kabayan Sen. Noli de Castro, Rep. Sonny Alvarez, Vice Mayor Vicky de Guzman ng Puerto Princesa, Col. Jaime Canatoy, DENR Dir. Wilfredo Rina at Atty. Joselito Alisuag.

Binabati ko rin naman sina Mrs. Teresita Gomez, GM Ruben Gonzales ng Asia World Hotel; Atty. Adelina Villena, Wennet Tabugan, Maila Villaos, Aida Torres, Jing Villena, Adel Villena at Jerry de Jesus.
* * *
Alam n’yo bang madalas umanong matalo sa mahjong itong isang miyembro ng ‘‘Midnight Cabinet’’ ni Erap? At alam n’yo rin ba ang dahilan kung bakit siya ay parating talunan?

Ayon sa aking bubuwit, kaya pala madalas matalo itong miyembro ng ‘‘Midnight Cabinet’’ ni Erap, ay dahil dinadaya ito ng kanyang mga kalaro sa mahjong. Ang kanyang madalas na makalaro ay si Erap mismo, si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, Jaime de Chavez at iba pa. Kung matalo itong midnight cabinet member ay milyones.

Hindi malaman kung talagang natatalo siya o talagang nagpapatalo upang maaprubahan ang kanyang hinihiling na mga pabor sa negosyo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala nagalit din si Erap kay Gov. Chavit ay dahil sa mahjong. Kapag naglalaro pala sila ng mahjong ay magkakampi diumano sina Erap at si Chavit.

Totoo kayang minsan ay nagsesenyasan si Erap at Chavit kaya natatalo ’yung isa nilang barkada ng ilang milyong piso?

Ayon sa aking bubuwit, ang ganitong ginagawa ng da-ting magkabarkada ay ikinukuwento diumano sa ilan nilang kaibigan kaya nagtampo si Erap.

Siyempre nga naman ano? Secret ’yon.

Ayon sa aking bubuwit, ang miyembro ng ‘‘Midnight Cabinet’’ na paborito palang dayain sa mahjong ay si…

Ito ay isang Chinese businessman. Ito ay maraming hotel at eroplano.

Ito ay walang iba kundi si businessman… Businessman W. as in Wishing you a Merry Christmas.

vuukle comment

ADEL VILLENA

ADELINA VILLENA

AIDA TORRES

AYON

CHAVIT

ERAP

METRO MANILA CHAPTER

MIDNIGHT CABINET

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with