^

PSN Opinyon

HALA BIRA - Magpatotoo ka, Governor Singson

- Danny Macabuhay -
MATINDI ang ginawang expose ni Ilocos Sur. Gov. Chavit Singson laban kay Pangulong Erap, Atong Ang, PNP Chief Gen. Ping Lacson at Gen. Jose Calimlim.

Sinabi ni Chavit na P10 milyong piso bawat buwan ang iniaabot niya kay Erap na nagmumula sa jueteng. Idinagdag ni Singson na kolektor lamang siya ng kinikita at ipinanlalagay kay Erap at iba pang opisyal. Ibinunyag din ng governor na tumatanggap din ng pera ang mga miyembro ng First Family at iba pang pamilya ng Pangulo.

Sinabi naman ni Erap na masama ang loob ni Singson sapagkat sisibakin na ang jueteng at papalitan ito ng Bingo 2-Ball. Ipinagwalang-bahala ni Erap ang alegasyon ni Singson.

Marami ang nagulat sa pagbubulgar ni Singson nagsimula sa isang simpleng traffic violation. Pinagsuspetsahan ni Singson na siya ang talagang pakay ng mga miyembro ng TMG-PNP.

Madugo ang patutunguhan ng labanang ito ng mga dating magkakabarkada. Bilang miyembro ng ‘‘Midnight Cabinet’’ at dating kaututang-dila ni Erap, maraming alam na sekreto si Singson.

Inaasahang magkatotoo ang sinabi ni Singson na isisiwalat niyang lahat ang mga katiwaliang kinasasangkutan ng pamahalaang Estrada.

Sana ay hindi maging katulad ng iba si Singson na unti-unting naaagnas ang galit at tapang kapag nakaharap na ang mga malalakas at maimpluwensiya.

Kung magagawa ni Singson ang kanyang pangako. Nasisiguro kong mababawasan ang kanyang kasalanan at susuportahan siya ng ating mamamayan.

vuukle comment

ATONG ANG

CHAVIT SINGSON

CHIEF GEN

ERAP

FIRST FAMILY

ILOCOS SUR

JOSE CALIMLIM

MIDNIGHT CABINET

PANGULONG ERAP

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with