^

Pang Movies

Solenn nagkatotoo ang mga naisip sa Marawi!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Solenn nagkatotoo ang mga naisip sa Marawi!

Solenn

Walang inuurungan pagdating sa kanyang trabaho si Solenn Heussaff, tinatanggap niya lahat ng ibigay sa kanya. Isa nang example noong kunin siya ng Encantadia where she played as diwatang si Cassiopea na iba ang language na gamit. Kumuha pa siya ng magtuturo kung paano niya bibigkasin nang tama ang mga salita para sa kanyang karakter.
Nang kunin din siya for a pictorial na sumasayaw siya under the sea, hindi siya tumanggi, in-enjoy pa niya ang photo shoot na iyon. Ngayon ay may inihahanda siyang painting exhibit ng mga taong nami-meet niya na nagbigay sa kanya ng inspiration sa buhay na magaganap sa October, 2017.
Pumupunta siya kung saan-saan para ma-meet ang iba’t ibang tao. Isa sa mga painting niya ang isang scenario sa Marawi City. Hindi raw niya alam na ganun nga ang nangyayari sa gitna ng digmaan kung saan walang makain ang mga tao at nanghi­hi­ngi lamang ng limos na pagkain. Kaya nang magkaroon siya ng chance na pumunta sa Marawi, dala ang kanyang painting, napaiyak siya dahil kung ano ang iniisip niya ay siya niyang personal na nakita roon.
Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Solenn ang pagti-taping niya ng mga action scene sa Alyas Robin Hood 2 kung saan siya ang leading lady ni Dingdong Dantes kasama si Andrea Torres. Sila naman ang maglalaban hindi lamang sa action scenes kung hindi pati na rin sa paseksihan.
Hindi lamang iyon, may bago ring project si Solenn sa GMA 7, ang pagho-host niya ng All Star Videoke na isang all-original musical game show. Ang sabi’y makakasama niya rito ang actor-comedian na si Betong Sumaya. 
Patuloy pa rin siya sa pagho-host ng Taste Buddies sa GMA News TV with Rhian Ramos at 8:45 PM every Saturday.
Artist agency head ng isang network papalitan na
Pinag-uusapan na ang pagri-retire ng head ng isang artist agency na ang papalit ay isa rin daw mahusay mag-handle ng talents. Kaya ang tsika, tiyak daw mas darami ang projects ng mga talent na hawak niya kapag siya na ang nakaupo. Hindi naman siguro, dahil kilalang fair siya sa lahat ng mga talent ng kanyang network o kahit ng sarili ­niyang agency. Kaya nga raw nitong ibigay sa iba ang kanyang talents kung alam niyang mas makikilala sila sa ibang network.

Tinotoo ang pangako

Tinotoo nga ni Jose Manalo na dara­ting siya sa Eat Bulaga kahapon para makisama sa 38th Anniversary celebration ng longest-running noontime show kaya nabuo na ang tatlong lolas, Nidora, Tidora at Tinidora. Inihayag na rin ni Bossing Vic Sotto ang biggest surprise nila, ang pagpili ng Miss Millenial Philippines 2017. Lahat ng mga contestant ay beauty queens na ng kani-kanilang probinsiya na pupunta sa EB para sumali sa beauty contest at ipakikilala ang kani-kanilang province or cities.

Ginanap na rin ang first weekly finals ng #DabarkadsTheUltimateBattle, at dalawa ang nanalo, ang Team All Out nina Alden Richards at Sinon Loresca at ang Team Laban nina Patricia Tumulak at Joel Pelayo. Natalo ang team nina Wally Bayola at Ryza Mae Dizon kaya umiyak ang bata.  This Monday to Thursday ay maglalaban-laban ang natitira pang teams at sa Friday magaganap ang second weekly finals. Ang dalawang teams na mananalo roon ang siyang makakalaban sa grand finals ng nanalo kahapon sa weekly finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with