^

Pang Movies

Veteran actress walang awa sa child actor na katrabaho

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sino naman kaya ‘yung veteran actress na pinababa ang isang child actor kasama ng ina nito noong makasama sa isang van galing sa shooting.

Ayaw daw ng aktres ng may kasama sa loob ng van.

Ang nakakaloka lang, hindi naman pagmamay-ari ng aktres ang van dahil nirentahan lang ito ng line producer ng proyektong pinagsasamahan nila.

May nagkomento na mabuti na lang daw hindi nahulog sa bangin ‘yung van dahil sa kasamaan ng ugali ng aktres-aktresan.

Lito ikinasaya ng matatanda

Malaking kontribusyon sa pagsikat lalo ng FPJ’s Ang Probinsyano ang muling pagbabalik-telebisyon ni former Senator Lito Lapid. Marami kasi ang na-excite, lalo na ang matatanda, na muling mapanood na humawak ng baril si Lito.

Matagal ding nakumbinse si Lito bago siya bumalik sa pag-arte.

Kaya lang, request ng televiewers ay sana maglagay pa sila sa serye ng mga kasabayan din noon ni Lito at hindi pulos the who.

Jennylyn at Gil ayaw kagatin!

Mabuti na lang at hindi natuloy si Alden Richards sa My Love From The Star na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Malapit na kasi itong wakasan sa ere dahil hindi yata kinakagat ng masa.  

Hindi pa sila sanay manood ng teleseryeng magkasinghaba ng buhok ang bidang lalaki at babae.

Subalit ang sinuwerte sa seryeng nabanggit ay si Gil na nakilala na kahit paano.

Amanda at Joy nag-reunion after 20 years

Hindi napigilang hindi magyakapan ang dalawang da­ting sex symbol na sina Amanda Amores at Joy Sumilang nang magkita sila sa feeding program na handog ni Amanda at ng asawang barangay chairman ng Sto. Domingo, Quezon City.

Presidente ng mga kababaihang taga-Sto. Domingo si Amanda at every month ay may feeding program para sa mga bata. Dumating si Joy kasama si Roland Lerum na nagkataong birthday noon at nag-join sa said feeding program.

Almost twenty years daw silang hindi nagkita at ngayong nagkita na sila ay parehong may mga anak na. Miss na raw nila ang showbiz pero happy sila sa pagiging nanay.                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with