^

Pang Movies

Kinita sa concert ni Alden, diretso sa tulay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang Kapuso Foundation ang recipient ng proceeds ng successful concert ni Pambansang Bae Alden Richards na Upsurge na ginanap sa Kia Theater noong May 27, 2017.  Personal na tinanggap ni Ms. Mel Tiangco, Founder & Ambassador of GMA Kapuso Foundation ang donations sa harap din ni Ms. Rikki Escudero-Catibug, EVP & COO Kapuso Foundation. Kasama ni Alden si Rene Salta, General Manager ng GMA Records, ang producer ng concert.

Ang donation ay gagamitin sa children in various typhoon affected regions in the Philippines, isa na rito ang pagpapagawa ng tulay sa Brgy. Iraya, Buhi, Camarines Sur para hindi na sila tumawid sa ilog gamit ang lubid para makapasok sa kanilang school. Hindi na sinabi kung magkano ang halaga ng donation mula sa sold-out concert ni Alden. Kaya nagpasalamat din ang Kapuso Foundation sa lahat ng mga sumuporta at nanood ng concert sa kabila ng malakas na ulan nang gabing iyon na itinuring na isang blessing.

Para naman sa mga hindi nagkaroon ng chance na mapanood, may chance na kayong mapanood ito dahil sa Sunday, July 23, iri-replay ito sa SNBO (Sunday Night Box Office) sa GMA 7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Nakasama ni Alden sa concert ang mga guests niyang sina Raymond Marasigan, Je­rald Napoles, Mark Herras, Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, Migo Adacer at ang very special guest niya, si Maine Mendoza.

Regine nagpapayat para makahataw sa concert

Iba rin ang professionalism ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid pagdating sa trabaho. Hindi ikinakaila ni Regine na medyo busy ang schedule niya ngayon dahil nagti-taping pa siya ng Mulawin vs Ravena bilang si Sandawa, ang immortal goddess of nature.

Madalas ay sa bundok ang taping niya kaya exposed siya sa i­nit at lamig ng panahon. It’s good daw lamang na hindi naman regular ang taping days niya na three times a week, kaya may time siyang magpahinga para naman tapusin niya ang recording niya ng kanyang 3-volume album sa Viva Records na ipinagmamalaki ng Viva big boss na si Vic del Rosario. Sasabayan pa kasi ito ni Regine ng kanyang R3.0 concert sa Mall of Asia sa October 21 which also marks her 30th anniversary in showbiz.

Kailangan din daw niyang mag-lose ng konti pang weight dahil solo concert lamang ito di tulad noong mga past concerts niya na may ka-back-to-back siya. Kailangan niyang maging physically fit dahil 30 songs ang kanyang kakantahin. Pero ngayon pa raw lamang ay thankful na siya kay Boss Vic nang mag-offer ito sa kanya na gumawa ng album at magkaroon ng solo concert dahil na-miss daw niya talaga ang pagkanta.

Nagri-rate…

Muling tumanggap ng mataas na rating ang top afternoon prime drama ng GMA 7 na Ika-6 Na Utos dahil tinutukan ang mga eksenang nalaman na ni Rome (Gabby Concepcion) na totoong si Georgia (Ryza Cenon) ang nagpasunog ng hospital kaya nasunog ang anak nila ni Emma (Sunshine Dizon) na si Milan. First time raw sa loob ng ilang buwan nang napapanood ang soap, ngayon daw lamang nila nakitang nagtaas ng boses at ipinakita ni Rome ang galit niya kay Georgia, at hindi siya nakapigil na masampal, tawaging kabit lamang niya si Georgia at palayasin sa harap niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with