Kobe Paras susubok sa ibang eskuwelahan
MANILA, Philippines - Matapos mabigong makakuha ng sapat na playing time sa Creighton University ay susubukan naman ni Filipino basketball star Kobe Paras ang kanyang suwerte sa Cal State Northridge.
Sa kanyang paglalaro para sa Bluejays sa loob ng isang taon ay nagtala ang 6-foot-7 na si Paras ng ave-rage na 4.7 minutes para sa kanyang 1.3 points at 1.0 rebound per game.
Ang kakulangan sa playing time ang naging dahilan ng pag-alis ng anak ni PBA MVP/ROY ni Benjie Paras sa Creighton.
Nauna nang nakipag-ensayo si Paras sa UCLA Bruins ngunit sinasabing nabigong makapasa sa academics examination kaya siya lumipat sa Creighton.
“I believe Cal State Northridge has an amazing program,” wika ni Paras sa isang teleconference call. “Coach Reggie (Theus) is a great guy. I’m just glad to say I’m committing to Cal State Northridge.”
Papasok ang dating La Salle-Greenhills standout summer classes ng Cal State Northridge para ma-ging eligible na maglaro sa tropa ng Matadors.
Inihatid ni Theus, da-ting head coach ng Sacramento Kings sa NBA, ang mga Matadors sa 11-19 record sa nakaraang season. Lumalahok ang Cal State Northridge sa Big West Conference na sinasalihan din ng Cal State Fullerton at Long Beach State.
- Latest