^

PM Sports

GlobalPort may bagong import

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa hangaring buha-yin ang kanilang tsansang makapasok sa eight-team quarterfinals cast ay magpaparada ang GlobalPort ng bagong reinforcement.

Sasandigan ng Batang Pier si import Justin Harper sa kanilang pagsagupa sa Meralco Bolts ngayong alas-4:15 ng hapon bago ang salpukan ng Star Hotshots at TNT Katropang Texters sa alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang 6-foot-10 at 225-pounder na si Harper, pumalit kay Malcolm White ay isang two-time NBA D-League All-Star mula sa Los Angeles D-Fenders.

Naglaro ang 27-an-yos na si Harper sa NBA para sa Orlando Magic, Detroit Pistons at kamakailan ay sa Philadelphia 76ers noong Marso sa isang 10-day contract.

Nakatakda siyang dumating kahapon para sa kanilang bakbakan ni Meralco import Alex Stepheson, nagtala ng mga averages na 21.8 rebounds at 17.6 points per game.

Bukod kay Harper, ipaparada din ng Batang Pier ang mga bagong hugot sa trade na sina Sean Anthony, Bradwyn Guinto at Jonathan Grey.

“The game versus GlobalPort will be difficult to gauge because they have new local players and a new import,” wika ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black. “We will just go out and play hard and try to pick up a win.”

Maliban kay Stepheson ay muli ring sasandalan ng Bolts, nahugot si Garvo Lanete mula sa NLEX, sina 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome, Baser Amer at Jared Dillinger.

Sa ikalawang laro, inaasahan ng Star na mapapaganda ang kanilang muling pagkuha kay Ricardo Ratliffe bilang kapalit ni Tony Mitchell para sa upakan nila ng TNT Katropa.

Si Ratliffe ay na-ging import ng Hotshots noong nakaraang PBA Commissioner’s Cup.

vuukle comment

JUSTIN HARPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with