^

PM Sports

Pocari wagi sa Perlas

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Myla Pablo ang kanyang husay nang pangunahan nito ang Pocari Sweat sa 25-19, 25-19, 25-18 panalo laban sa Perlas Lady Spikers kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa kanilang panalo, umangat ang defending champion Pocari sa sosyohan sa ikalawang puwesto kasama ang kanilang biktimang Perlas sa parehong 2-2 win-loss slate, dala-wang hakbang sa likuran ng nangungunang BaliPure na mayroong 3-0 card.

“Medyo satisfied ako. I guess gumaganda na ‘yung galaw ng mga players ko. Kaya kita na rin na masaya sila sa loob,” sabi ni Pocari coach Rommel Abella.

Nagpakawala ang team captain na si Pablo ng 13 puntos, 11 mula sa atake kasunod naman sa kanyang 18 atake, tatlong aces at dalawang blocks sa una nilang panalo noong Sabado.

“Okay talaga si Myla (Pablo). She is a good leader. Nakukuha na niya ‘yung kailangan ng koponan namin. Pero, what I want now is for everybody to also chip in din kasi ‘yun ang kailangan ng team,” dagdag ni Abella.

Bukod kay Pablo, tumulong din si Elaine Ka-silag at Jeannette Panaga ng tig-12 puntos bawat isa habang 10 naman mula kay Kai Nepomuceno.

Pinangunahan ni Dzi Gervacio ang Perlas sa kanyang walong puntos.

Samantala, nagwagi ang Cignal HD laban sa Cafe Lupe sa apat na sets, 23-25, 25-19, 25-16, 25-23 para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa men’s division.

Umiskor si Lorenzo Capate ng 16 puntos kabilang na ang 14 spikes para iangat ang Cignal HD sa three-way tie sa liderato kasama ang Sta. Elena Wrecking Balls at Philippine Army sa parehong 2-0 win-loss slate.

Dahil sa kanilang three-set sweep, 25-19, 25-16, 25-22 sa Instituto Estetico Manila noong nakaraang linggo, mala-kas ang kumpiyansa ng HD Spikers kaya naka-bawi sila agad matapos maunahan sa unang set.

Nagsanib puwersa sina Capate at Mark Alfafara sa ikalawa at ikatlong sets upang mabawi ang kalamangan tungo sa magandang panalo.

Umani si Alfafara at Ysay Marasigan ng tig-12 puntos bawat isa habang tig-11 naman sina Bonjomar Castel at Peter Torres para sa HD Spikers.

Kumana si Jahir Ebrahim ng 14 puntos para sa Cafe Lupe na bumagsak sa kulelat na puwesto sa 0-3 kartada.

vuukle comment

MYLA PABLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with