^

Bansa

Magulang parusahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ipataw na lang sa mga magulang ang parusang katapat ng krimen na kasasangkutan ng isang menor de edad.

Ito ang rekomendasyon ni ANAC-IP  partylist Rep. Jose Panganiban sa gitna ng deliberasyon sa Kamara kaugnay sa panukalang ibaba sa siyam na taon ang minimum age of criminal responsibility.

Paliwanag ni Panganiban, pabor siyang ibaba ang age of criminal responsibility subalit dapat na tandaan na ang pagiging kriminal ng mga menor de edad ay maisisisi sa kanilang magulang.

Kung kailangan umanong ikulong ang bata, dapat isama dito ang magulang para pagdusahan  nito ang krimen ng anak.

Pabor din dito si House Committee on Welfare of Children Chairman Divina Grace Yu na ibaba ang age of criminal responsibility  subalit dapat ay sa labing dalawang taon lamang.

vuukle comment

PARUSAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with