^

Police Metro

Onsehan sa droga: 2 lalaki tinodas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasok ng isang grupo ng armadong kalalakihan ang isang bahay at dito ay pinagbabaril sa ulo at napatay ang  dalawang lalaki kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Manilo Viojan, alyas “Jawo”, tindero, ng No. 2 Bagong Kalsada Street, Brgy. Tangos; at Esteban Lansangan, Jr., alyas “Jimboy”,  ng B. Cruz Street.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng apat na lalaki ang bahay ng mga biktima at walang kaabog-abog na pagbabarilin.

Narinig nang mga kapitbahay ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa makitang lumabas ng bahay ang mga lalaki na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.

Narekober ang dalawang deformed na bala at apat na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa posesyon ni Lansangan.

Ayon sa pulisya na ang dalawang napatay ay sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga at isa sa tinitignang anggulo ay posibleng onsehan sa bentahan ng shabu.

vuukle comment

MANILO VIOJAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with