^

Pang Movies

Kahit na-awkward sa umpisa Gerald gift from god ang tingin sa pagsasama uli nila ni Kim!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi nakakalimutan ni Gerald Anderson na malaki ang utang na loob niya sa dati niyang ka-loveteam at ex-girlfriend na rin na si Kim Chiu kung nasaan man siya ngayon kaya naman sobrang happy siya na nabigyan siya ulit ng pagkakataon na makatrabahong muli ang aktres via Ikaw Lang ang Iibigin na magsisimula na sa May 1.

“Ako, personally, masaya ako na mayroon akong ganitong oportunidad na siyempre, makasama si Kim kasi simula pa lang ng career ko, simula ng bago kung saan man ako ngayon, si Kim po ang kasama ko.

“So, I’m taking this opportunity as a gift from God,” pahayag ni Gerald sa presscon ng Ikaw Lang ang Iibigin last Monday.

Aminado naman sila pareho na at first ay mayroong awkwardness sa pagitan nila.

“Siyempre, una, awkward talaga kasi hindi naman kami super-friends nito, eh,” sey ni Kim, “‘hi-hello lang kami sa ASAP, hello, kumusta?, okay naman, o babay’, ganyan.

“Tapos ‘yung mga eksena namin, chummy-chummy, ganyan-ganyan. So parang hala, after ilang years, okay sige, gawin na natin ‘to.

“Pero ‘yun, nakakatuwa na pareho kaming professio­nal. And ‘yun, medyo akward din sa mga taong kaharapan namin, lalo na nun’g una, kasi siyempre, alam naman nila ‘yung nangyari sa amin and ‘yung hindi masyadong kagandahang mga ganap,” natatawang sabi ni Kim.

Pero okay na okay na raw sila ngayon and at least ay natuto na sila at ang pinaka-importante, natuto siyang magpatawad.

“And I’m very happy na ‘yung time na ‘yun, nangyari, before pa. Nun’g mga bata pa kami. At least ngayon, natuto na kami and may isa rin akong important lesson na natutunan sa mga nangyari na ‘yun – na hindi ka magiging fully masaya or fully happy kung hindi ka marunong magpatawad.

“Kasi, hindi naman ‘yung tao ‘yung kalaban mo do’n, eh, kungdi ‘yung sarili mo, kasi mapapagod ka lang.

“Oo, mapapagod ka lang pag hindi ka marunong mag-forgive, iiwas ka, magagalit ka, iiwasan mo ‘yung tao, magsasabi ka ng masama. O let’s just forgive the person and just go on with your life. Mas happy ‘yung pakiramdam. Look at us,” sey pa ni Kim.

Ayon naman kay Gerald, hindi naman talaga maiiwasan ang awkward feeling since matagal nga silang hindi nagkasama.

“Pero at the end of the day, alam ko naman na inevitable na magkakasama ulit kami. Masyado pong maraming sumuporta sa amin para hindi pagbigyan ang mga fans namin dati. They really deserve it and kahit ‘yung mga hindi namin fans, ‘yung mga bagong fans ngayon, ang masasabi ko, maganda po ang mapapanood nila,” pahayag ni Gerald.

Ayon kay Kim, para mawala ang ila­ ngan sa pagitan nila, nagdyo-joke raw siya kay Gerald dahil napakatahimik daw talaga ng aktor noong una.

“Tahimik kasi siya, eh, ewan ko ba dito,” natatawang sabi ni Kim tungkol kay Gerald. “Pero natatawa naman siya sometimes. Parang ‘uy sige na, tumawa ka na’. Tapos natatawa naman siya. Mga ganu’n.”

Kwento naman ni Gerald, nagkabaliktad nga raw ang sitwasyon ngayon nila ni Kim.

“Dati kami ‘yung nagdyo-joke para patawanin siya. Ngayon, siya na ang nagdyo-joke,” he said.

Sa first scene nila sa nasabing serye, halo-halo ang naramdaman ni Gerald.

“Nung nakasama ko siya sa unang eksena, sobrang familiar na weird kasi nga, parang natulala ako for a while, lalo na nun’g nanonood ako ng playback, and. . .ganu’n ako tao, eh, I just try to live in the moment at medyo nawala ako for a while kasi parang hindi ako makapaniwala na nangyayari ‘to,” kwento ni Gerald.

Kasama rin sina Jake Cuenca at Coleen Garcia mula sa direk­­syon nina Dan Villegas at Onat Diaz under Dreamscape Entertainment, mapapanood ang ILAI bago mag-It’s Showtime.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with