Petsa at venue ng Pambansang Seminar sa DLSU-Manila binago
MANILA, Philippines - Nalipat ng bagong petsa ang Pambansang Seminar 2017 at Gawad Pasado ng DLSU-Manila sa Mayo 2-5 dahil sa pagsuspinde ng Palasyo sa klase sa lahat ng paaralan sa Metro Manila upang magbigay-daan sa 30th ASEAN Summit.
Ang bagong venue ng seminar ay idadaos sa William Shaw Little Theater para sa Pambansang Seminar 2017 (Mayo 2-5) habang ang Gawad Pasado (Mayo 3) naman ay gagawin sa Teresa Yuchengco Auditorium. Parehong matatagpuan ang mga venue sa loob ng campus ng DLSU-Manila.
Sa mga nagpalista na para sa orihinal na petsa na Abril 26-29 at hindi na makadadalo sa bagong petsa, antabayanan lamang ang mga detalye para sa refund.
Kung may katanungan, maaaring tumawag sa 524-4611 loc 509 o 552 at hanapin si Malou Bagonam o sa cp no. 0927-2421630.
- Latest