Walo hanggang 10 teams para sa PVL
MANILA, Philippines - Hangad ni Ricky Pa-lou ng nag-oorganisang Sports Vision na palawakin sa walo hanggang 10 ang koponang la-lahok sa 2017 Premier Volleyball League na magbubukas sa pamamagitan ng Reinforced Conference sa Abril 30 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Sa ngayon ay anim na koponan lamang sa pangunguna ng defen-ding champion na Poca-ri Sweat ang sasabak sa import-laden confe-rence.
Ang iba ay ang Balipure Water Defenders, Philippine Air Force, Creamline Cool Sma-shers ni Alyssa Valdez, Perlas Spikers at Power Smashers.
“Eventually, we would like to have eight to 10 teams seeing action in the PVL on a double-round robin format. The more, the merrier,” sabi ni Palou sa presscon kahapon sa ABS-CBN tower.
Sabi naman ni Valdez na marami rin siyang natutunan sa paglalaro sa 3BB Nakornnont sa Thai League kung saan tumapos sila sa ikaapat na puwesto para sa bronze medal sa Thai-Denmark Super League sa Thailand.
“My stint in Thailand was very memorable. Marami akong natutunan and I hope to share all that I learned with my teammates,” sabi ng 23-anyos na si Valdez, ang unang Pinoy na nakapaglaro sa Thailand bilang import.
Sa unang araw ay maghaharap kaagad ang Balipure at Air Force sa alas-2 ng hapon, habang ang Power Smashers at Pocari ay magtatagpo sa alas-4.
Inaasahan din ang magandang sagupaan sa pagitan ng baguhang Creamline Cool Sma-shers at Perlas Spikers sa alas-6 ng gabi.
Sa men’s competition, maghaharap ang Philippine Air Force at IEM Phoenix sa alas-10 ng umaga.
- Latest