^

PM Sports

Jockey Onil P. Cortez gagawa ng pangalan ngayong taon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa ipinapakitang husay at galing kahit saang karerahan dito sa Pilipinas ay walang dudang guguhit ng kanyang sariling pangalan ang dating apprentice at ngayon ay class-A jockey na si Onil P. Cortez.

Noong nakaraang Linggo ay dalawang kabayo ang kanyang ginabayan at pareho niyang naipanalo nang walang duda.

Ang una ay ang Naughty Girl, isang tatlong taong babaeng alasan, na lumahok para sa Handicap-3 ng mga kabayong may tatlong taon ang edad pataas.

Ang Naughty Girl na nagdala ng timbang na 56 kilos ay halos kasabayan sa paglundag ng mabilis na Warrior Flame na pinatungan naman ni jockey Christopher V. Garganta.

Bago pa man matapos ang unang 400 metro ay kinuha na kaagad ng Naughty Girl ang abante at mula rito ay wala nang kabayong nag-pressure man lang sa pagbandera ng kabayo.

Naipanalo ni Cortez ang Naughty Girl na may masasabing “with plenty to spare” ang race caller na tumawag ng naturang karera.

Sa magkaibang bersyon naman ay naipanalo ni Cortez ang super mega outstanding favorite na Jersy Jewel sa isang Condition-21 race.

Mula sa walong kalahok ay pinakahuling lumabas ng aparato ang Jersy Jewel na bahagyang nagbigay pagdududa sa mga nagsitaya rito.

Pero nang nasa kalagitnaan na ng karera ay naroroon na rin ang tambalang Jersy Jewel at Cortez na animo’y sibat na ipinukol at tila ipu-ipo ang tulin sa pag-arangkada.

Sa huling kurbada patungo sa mahabang stretch-run ay nakita na ang nguso ng kabayong Jersy Jewel, habang ang hineteng si Cortez ay prente lang sa iba-baw ng kabayo at tila walang bagabag na siya ang magwawagi na nangyari nga.

Kalahating horse length lang ang agwat ng panalo ni Cortez sa itaas ng Jersy Jewel kontra sa mga karibal na Superior Joe at Bliss na pumangalawa at puma-ngatlo sa laban, ayon sa pagkakasunod.

Nangako si Cortez na gagalingan pa ang pagdada-la ng kabayo sa anumang karerang kanyang tatakbuhan ngayong taon. (JMacaraig)

vuukle comment

JOCKEY ONIL P. CORTEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with