^

PM Sports

NCR athletes magdedepensa ng korona sa Palaro

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang bigating National Capital Region (NCR) sa kanilang pagdedepensa sa overall crown, ngunit inaasahan din ang magandang laban mula Southern Tagalog, Western Visayas at Central Visayas para sa 60th Palarong Pambansa na magbubukas  sa Abril 23 sa San Jose de Buenavista, Antique.

Inangkin ng NCR ang overall trophy no-ong nakaraang taon sa pamamagitan ng kani-lang 104 gold, 57 silver at 48 bronze medals sa Palarong Pambansa na ginanap sa Legaspi City.

Pumapangalawa naman ang Southern Tagalog sa kanilang 40-43-59 kasunod ang Western Visayas (35-35-39) at Central Visayas sa (21-39-29).

Inaasahan ng organi-zer at host Antique ang mahigit 12,000 atleta mula sa 18 rehiyon ang lalahok sa 2017 edisyon na gaganapin sa nasabing probinsya sa unang pagkakataon.

Samantala, nagpa-hayag din ng kahanda-an ang 20 atleta mula sa General Trias, Cavite sa kanilang pagsabak sa taunang paligsahan.

Kabilang sila sa mahigit 82 atleta mula sa probinsiya ng Cavite na kasama sa 350-man de-legation ng Calabarzon (Region 4A).

Malaki ang tiwala ni Gen. Trias Mayor Antonio Ferrer na magtatagumpay ang kanyang mga atleta dahil sa masusing paghahan-da sa naturang kumpe-tisyon para sa mga student athletes mula sa elementary at high school divisions na may edad 17-anyos pababa.

Mahigit 18 regular sports at dalawang demonstration sports at isang demonstration event ang paglalabanan sa isang linggong paligsahan.

Sa taong ito ay isinali ng DepEd ang pencak silat at dancesports bilang mga demonstration sports, habang ang aerobic gymnastics ay kasali na bilang demonstration event.

Ang mga regular sports ay ang archery, arnis, aquatics, athle-tics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, sepak tak-raw, softball, table tennis, taekwondo, lawn tennis at volleyball.

Bibigyan din ng pa-rangal ng DepEd ang mga outstanding athletes na produkto ng Pa-larong Pambansa simula sa unang edisyon noong 1948.

Ibibigay ng DepEd ang Palarong Pambansa Parangal Achievement Award sa opening cere-monies ng nasabing sports event.

(Francisco Cagape)

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with