^

Pang Movies

Sarah at Kathryn pinagpipilian sa remake ng Meteor Garden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sarah at Kathryn pinagpipilian sa remake ng Meteor Garden
Sarah Geronimo

Ngayong nabalitang iri-reboot o muling gagawin ang Taiwanese drama na Meteor Garden, after 16 years, balita ring iri-remake ito ng ABS-CBN. Sila ang unang nagpalabas dito ng well-loved drama in 2003 at ilang beses din itong ipinalabas muli sa network, although ipinalabas din ito ng GMA Network.

Totoo kayang pinagpipilian kina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo ang gaganap na Shan Cai at may dalawa ring set ng mga Kapamilya actors ang gaganap bilang sina Jerry Yan, Vic Zhou, Vaness Wu at Ken Chu.  Sina Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil at Sam Concepcion ang unang set at ang pangalawa, ang Kanto Boys raw na sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Billy Crawford at John Lloyd Cruz.

Pero tiyak na matutuwa ang mga avid followers noon ng Meteor Garden na unang ipinalabas sa Taiwan on April 12, 2001, na may friend nga kaming love na love niya ito at kabisado pa niya hanggang ngayon ang story dahil paulit-ulit pa rin niyang pinapanood, Chinese dialogue at Tagalized.

Sa ngayon, ang sinasabing based ang story sa Meteor Garden ay ang primetime romantic-comedy ng GMA 7 na Meant To Be dahil si Ken Chan ay ang Filipino-Chinese na si Yuan, ang Pinoy na si Andoy (Jak Roberto), isang British naman si Ethan (Ivan Dorcshner) at ang Indian na si Jai (Addy Raz) with Barbie Forteza.

LJ natameme nang makaharap si Gloria

Na-starstruck at hindi nakapagsalita si LJ Reyes nang makaharap ng personal ang Philippine’s Movie Queen at mahusay na actress na si Ms. Gloria Romero, sa plug shoot nila ng Kulayan Natin Ang Summer Station ID ng GMA 7.

“Nakaramdam talaga ako ng hiya nang makaharap ko si Ms. Gloria Romero,” sabi ni LJ. “Ganoon pala, kapag kaharap mo na ang iginagalang at paborito mong artisa, hindi ka makapagsasalita. First time ko kasi iyon na makaharap siya dahil hindi pa ako nagkaroon ng chance na makasama si Ms. Romero sa isang project, pero paborito ko siya talaga at pinapanood ko ang mga movies niya at teleseryes.

“Kaya ang tuwa ko nang malaman kong makakasama ko siya sa omnibus plug shoot namin ng mga bagong shows ng GMA 7 na mapapanood na this summer. Eh, kami ng buong cast ng D’Originals ay magkakasama sa plug namin. tapos nakita ko siyang nandoon din dahil may isang Sunday fantasy show pala na siya ang magho-host, ang Daig Ka ng Lola Ko.

“Kaya talagang fan ako na nag-request kung pwedeng magpa-picture sa kanya.  Ang saya-saya ko after naming magpa-picture.  First time din daw niya akong nakita in person.  Papanoorin ko ang bago niyang show at ipapapanood ko rin ito sa anak kong si Aki.”

Nagsimula nang mapanood ang sexy dramedy series nina LJ, Jaclyn Jose, Kim Domingo na D’Originals kahapon, Monday, April 17, after ng Legally Blind.

Ang Daig Ka ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero ay mapapanood naman simula sa Linggo ng hapon, April 30.  Sa direksyon ito ni Rico Gutierrez.

 

 

vuukle comment

SARAH AT KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with