^

PSN Showbiz

Mark at Winwyn may kakaibang love story

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napagdaanan mo na ba ang pangkaraniwang tatlong yugto ng pag-ibig: Nagmahal. Nasaktan. Nagmove-on? 

Paano naman iyong mas masakit na Umibig. Pinagtaksilan. Naging Bitter?  

Pero paano kung ikaw naman ay Nagmahal. Nagtaksil. At Pinaghigantihan? 

Kakayanin mo ba?

Ngayong Sabado (April 8) sa Magpakailanman, huwag palampasin ang kakaiba at napaka-kumplikado pero totoong love story na umikot, hindi lamang sa dalawa, kundi sa apat na nilalang.

Masaya ang pagsasama nina Edgar at Lucy noon kasama ang dalawang anak nilang lalaki. Isang mabait na asawa si Lucy at hindi sila nagkaroon ng anumang problema ni Edgar. Nabibigay naman ni Edgar ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ngunit lahat ay nagbago nang muling magkrus ang landas ni Edgar at ng kanyang dating kasintahan na si Shiela. Nanumbalik ang dati nilang pagtitinginan at nagsimulang magtaksil si Edgar kay Lucy sa kabila ng pagiging mabuti nitong maybahay. Dumalas ang hindi niya pag-uwi sa bahay dahil sa pakikisama din nito kay Shiela, na napansin din kalaunan ni Lucy. At kahit nabuko na si Edgar ng asawa ay hindi nito pinutol ang relasyon kay Shiela. Kahit pa alam din niyang may iba pang karelasyon si Shiela—ang pulis na si Danny.

Ang hindi nalalaman ni Edgar, may maitim na balak pala si Danny para makapaghiganti sa kanya. Nagsimulang mapansin ni Edgar na hindi na din madalas umuuwi ng bahay si Lucy. Hanggang madiskubre niyang nakikipagkita pala ito sa karelasyon ng kanyang kalaguyo. Si Lucy at ang pulis na si Danny ay mayroon ding relasyon.

Sa takot ni Edgar na iwan ni Lucy ay pinili nitong putulin ang relasyon kay Shiela at bumalik sa asawa. Ngunit mukhang huli na ang lahat para kay Edgar. Inamin ni Lucy na noong una ay paghihiganti lamang ang binabalak niya pero kalaunan ay nahulog na din ang loob niya kay Danny.

 Dumating na nga ba ang karma ni Edgar? O may mas masalimuot pang kahahantungan ang kanyang kuwento na magdadala ng panganib sa kanyang buhay?

Ang episode na pinamagatang Love is Complicated ay pinangungunahan nina Mark Herras, Winwyn Marquez at Kris Bernal. Kasama rin sina Yul Servo, Alan Paule, Lynn Cruz, Bryce Eusebio, Nicole Donesa  at Jude de Jesus.

Mula sa mahusay na direksyon ni Maryo J. delos Reyes, DGPI., huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

 

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with