^

PSN Showbiz

Piolo ibinukong open line ang relasyon nila ni Shaina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang pelikula raw ang nakatakdang gawin ni Piolo Pascual sa direksyon ni Lav Diaz. Matatandaang nagkatrabaho na ang dalawa sa pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis na pinagbidahan nina Piolo at John Lloyd Cruz. 

Isang malaking karangalan para sa aktor na muling makatrabaho ang batikang direktor kaya excited na siyang simulan ang shooting nito. “It’s an exciting film, to be working with Lav Diaz, it’s always a milestone. He’s one of a kind. It’s a privilege to be given a chance to work with a great director. I will not pass up that chance. Kasi bihira kang mabigyan ng gano’ng pagkakataon,” nakangiting pahayag ni Piolo. 

Makakatambal ng aktor ang matagal nang napababalitang kasintahan na si Shaina Magdayao. Ngayon pa lamang ay nananabik na si Piolo na makatrabaho ang dalaga. “Mas madaling magtrabaho ‘pag pareho kayong devoted, pareho kayong passionate sa craft ninyo,” giit ni Piolo. 

Noong Martes na nakitang magkasamang nanood ng Coldplay concert sa Pasay sina Shaina at Piolo. Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa ngayon? “Our relationship is okay. We have an open line and we are good,” makahulugang sagot ng aktor. 

Nagbigay din ng mensahe si Piolo para sa lahat na mayroong hindi magandang sinasabi tungkol sa kanila ni Shaina. “Tantanan na natin ‘yang isyu na ‘yan. Minsan parang gusto mo na lang manugod. Gusto mo na lang kumumpronta ng tao. Damned if you do, damned if you don’t. Tama na, hanggang do’n na lang ‘yon,”pagtatapos niya.

Dahil kay Sarah, plano nu’ng birthday ni Matteo ‘di natupad

Noong March 26 ay ipinagdiwang ni Matteo Guidicelli ang kanyang ika-dalawampu’t pitong kaarawan sa Cebu. Masayang-masaya raw ang aktor dahil sorpresang dumalo dito ang kasintahang si Sarah Geronimo.“Yes she’s there, very happy because my whole family is complete, including her,” pagbabahagi ni Matteo. 

Sinadya raw ng aktor na hindi magkaroon ng malaking selebrasyon at gusto lamang niyang makasama ang kanyang pamilya. “My plan was just to stay with the family. Of course I knew that she was busy with The Voice but she surprised me and that was very, very nice and I really didn’t expect. So it was extra nice,” kwento ng binata. 

Nasa tamang edad na sina Matteo at Sarah kaya marami ang nagtatanong sa magkasintahan kung nagpaplano na rin bang magpakasal. “It’s nice, it makes you smile kasi people are actually happy and good vibes about it, so it inspires you. But it’s for us to decide when. If it will happen, it will happen,” paliwanag ni Matteo. 

Samantala, ang aktor ang nagsisilbing third wheel kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang Can’t Help Falling In Love. Mapapanood sa sinehan ang nasabing proyekto simula sa April 15.

 

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with