^

PSN Opinyon

‘Batas na pabor sa mga kriminal’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KATARANTADUHAN ang mga panukat at pamantayan ni Sen. Kiko Pangilinan sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act 9344.

Kapag ang isang 15-anyos pababa ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen, hindi puwedeng ikulong. Sa halip maghimas ng matatabang rehas sa bilangguan, ang bagsak DSWD at PNP. Pero hindi para disiplinahin bagkus para arugain.

Ang biktima at pamilya ng biktima ng krimen hihingi ngayon ng hustisya. Pero dahil protektado ng RA 9344 hindi papanagutin ang suspek. Maliban na lang daw kung ang batang sangkot sa krimen alam ang kanyang ginawa. Mayroon na siyang sense of judgment, alam ang tama at mali o sa ingles “discernment” na mahirap madetermina sa korte.

Utak ito ni Kiko. Siya ang may akda na noong na­ipasa pareho sa Kongreso at Senado marami ang nagulat kung bakit naging ganap na batas.

Kaya nitong mga nakaraang araw hindi na nakapag­timpi ang Presidente, inilabas ang pagka-buwisit sa RA 9344.

Dapat lang maamiyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 upang hindi na lumobo pa ang bilang ng mga batang kriminal. Kaya lang naman ma­lakas ang loob ng mga sindikato dahil alam nila ang kahinaan ng nasabing batas. 

Naturalmente dahil lusot ang 15-anyos pababa sa anumang kaso walang magiging problema ang mga putok sa buho. Pagkalabas sa DSWD, balik na naman sila, dating gawi sa kanilang katarantaduhan. 

‘Yan ang produkto ng utak mo, Kiko! 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL Yung YouTube channel.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with