^

PSN Opinyon

Most Oustanding Mayor of the Philippines si Mayor Sheen Gonzales

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI pala biro ang mga pagsisikap na ginawa ni Guiuan Eastern Samar Mayor Christoper Sheen P. Gonzales, sa kanyang mga constituents para muling itayo at bigyan ng pag-asang mabuhay at magka-trabaho ang mga ito noong hagupitin ang probinsiya niya ni super typhoon Yolanda.

Sabi nga, nagka-windang,windang ang lahat ng mga ari-arian at marami rin ang napahamak noong mga panahong iyon sa kanyang lugar pero ang maganda kay Sheen hindi siya nagpabaya dahil nanguna siya para ibangong ang kanilang lalawigan at siempre nagtulong-tulong na rin ang mga nasalanta ng bagyo para tumayo sila sa kanilang dalawang paa.

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Sheen, ay dating bise gobernador ng kanilang probinsiya noong 2010, pero kung titignan napakabata pa niya para pasukin ang larangan ng politika kaya lamang hanga at alam ng mga kababayan niya ang kalibre ng kanilang idol.

Bukod sa napakamatulungin, maginoo, mabait,mapagbigay ng mga mahahalagang bagay na kailangan ng kanyang mga constituents at iba pa.

Ika nga, hindi siya pabaya at maasahan talaga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, appointed si Sheen ng League of the Vice Governors of the Philippines my Philippines (LVGP) bilang Deputy Secretary to the Visayas at naging Outstanding LVGP National Executive Board member.

Noong 2013, sinubukan ni Sheen na tumakbo sa ilalim ng partidong Sulong Pa Guiuan (Onward Guiuan), nanalo ito bilang alkalde ng probinsiya at ito ang pinakabatang Mayor sa history ng kanilang province.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasubukan ng kanyang mga kababayan si Maryo Sheen ng tumama ang Yolanda sa kanilang probinsiya noon kaya naman humanga at lalong napamahal ang mga tagarito sa alkalde dahil hindi niya iniwan ang mga ito sa bilid ng alanganin at bagkus ay tinulungan niya ang mga aito para makaahon sa kahirapan at muling mabuhay ng marangal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong bumisita sa kanyang probinsiya ang French President ay humanga ito kay Mayor Sheen sa mga pinaggagawa nito noon.

Ika nga, Keep up the good work, Mayor, huwag kang bibitaw!

Abangan.

Pintakasi sa gobierno ni Boss Digong

HABANG umani nang papuri at nawala ang kaba at takot ng madlang Pinoy sa mga ikinasa ni Boss Digong ang isyu regarding sa giyera laban sa droga. Sa ngayon ay nagmistulang may “pasabong’ naman nangyayari sa pagitan ng kanyang mga matataas na opisyal na malapit sa puso niya.

Sabi nga, giyera - patani. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang may riot o naglabu-labo ang mga opisyal sa administrasyon ni Boss Digong.

Bakit?

Sagot - may namumuong baho este mali gusot pala sa hanay nila dahil na rin sa iba’t-ibang istorya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang girian ay sa pagitan nina sina DENR Secretary Gina Lopez  at DoF Secretary Sonny Dominguez na nagkakainitan dahil sa mining issue?

‘Kaya naman ng mairita si Gina kay Sonny ay sinabihan ang huli ng ‘you are not my boss.’ tsimis ng kuwagong sumbungero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpasaring pa si Gina kay Sonny na ‘only Boss Digong can tell me what to do.’

Ano sa palagay ninyo my audience?

Tama ba o mali ang nangyari?

Tanong - ma-appoint kaya si Gina sa Commission of Appointments?

‘Ano sa palagay ninyo?’

Kambiyo issue, bebot kaya ang dahilan ng awayan nina House Speaker Bebot Alvarez at Davao del Norte Rep. Tonyboy Floirendo kaya nagsaing este mali naghain ang una ng kasong violation sa anti-graft and corrupt practices.

Sabi nga, kung ito lang ang isyu ‘malabnaw’ ito.

Bakit?

Sagot - ang dalawang ito ay matalik na magkaribal este mali magkaibigan pala kaya marami ang nanghihinayang sa giyera - patani nila kung bebot lang ang pinagmulan ng awayan?

Si Tonyboy, ay isa sa matinding supporter ni Boss Digong .

Ika nga, sanggang dikit!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sigurong dahilan ay duda si Alvarez kay Tonyboy dahil ito umano ang nangu­nguna sa pagtulak ng pailalim para patalsikin umano siya sa puesto bilang House Speaker at ipalit sa kanya si GMA?

‘Ito kaya ang dahilan kung bakit ibinulgar ni Bebot si Tonyboy na niloko diumano ng huli ang gobierno ng billion of pesos tungkol ito sa banana scam sa Davao?’ tanong ng kuwagong hindi pinartihan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas maganda na rin ang nangyari para magkasingawan ng baho ang mga ito at malaman ng madlang people kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan nila.

Korek ka dyan!

Abangan.

vuukle comment

SHEEN GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with