^

PSN Opinyon

Walang basehan ang pagtanggal

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

NAGKAROON nga ng illegal dismissal sa kaso ni Pinky. Ang willful disobenience o insubordination ay sapat na dahilan (just cause) ng pagtanggal ng isang empleyado pero kinakailangan na (1) ang inirereklamong kilos ay talagang baluktot o tahasang pinakikita ang pagmama­tigas ng empleyado at (2) ang utos na hindi sinunod ay reasonable, nasa batas at ipinaliwanag na mabuti, pang­huli, konektado sa kanyang tungkulin.

Sa kasong ito, ang tanging basehan ng insubordination o hindi paglabag sa utos ay ang ginawang hindi pagsipot ni Pinky sa head office kahit pa natanggap niya ang sulat. Mukhang nasa lugar, makatarungan at reasonable naman ang mga ito. Pero dapat tandaan na wala itong kinalaman sa kanyang tungkulin o trabaho bilang claims adjuster. Ang notice na ito ay para lang siya bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili. Ang epekto lang dapat ng hindi niya pagbibigay ng kaukulang paliwang ay ang pagsuko niya ng karapatan na idaan sa proseso ang lahat. Isa lang itong waiver at hindi dapat ituring na wilfull disobedience.

Isa pa, sabay na inilabas ng PCSI ang notice of termination at ang notice to explain. Ang mga notice ay na­ipadala kay Pinky bago pa nito maipaliwanag ang kalituhan at pagkainis sa magulong takbo ng kanyang kasong admi­nistratibo. Wala sa lugar ang ginawang pagtanggal o unlawful dismissal ang nangyari kay Pinky kaya nararapat lang siyang bayaran ng separation pay, backwages­, benepisyo sa Provident fund, 14th month pay at attorney’s fees na katumbas ng 10% ng award. (Ang kaso ni Pinky ay pareho sa kaso ng Sta. Isabel vs. Perla Compania de Seguros Inc., G.R. No. 219430, November 7, 2016.)

 

vuukle comment

PAGTANGGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with