^

Probinsiya

Multicab vs van: 11 patay, 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang 11 katao ka­bilang ang dalawang bata habang apat pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbangaan ang isang multicab at kasalubong na delivery van sa Brgy. Carael, Botolan, Zambales nitong Huwebes ng hapon.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Romulo Mantes, May Villanueva, Josephine Dorde, Maritess dela Cruz, Evangeline Capistrano, Linda Ruanto, Kenneth Ivan Capistrano, Rose Candule, 50;  isang alyas Tokaybo dela Cruz, Ardin Villanueva, 6, at Daniel Jay Dorde, 2 taong gulang. 

Ayon kay Botolan Chief of Police P/Chief Insp. Generico Biñan, pito sa mga biktima ay dead-on-the spot habang tatlo ang dead-on-arrival at nasawi ang isa pang bata habang isinasalba sa ospital. Patuloy namang inoobserbahan sa Ramon Magsaysay Provincial Hospital  sina Jefferson Viray, 29; Dario Torres, 36; Marilyn Parilla, 27 at Francis Matthew Parilla, 5 anyos.

Bandang alas–2:45 ng hapon nang aksidenteng magbanggaan ang delivery van ng Goldilocks (XMD-943)  at kasalubong nitong multicab  lulan ang 13 katao sa highway ng Sitio Capuloy, nasabing barangay. Patungo sa katimugang direksyon ang delivery van habang patungo naman sa bayan ng Iba ang nasabing multicab nang magsalpukan.

Kasalukuyang pabalik na sa kanilang tahanan ang mga pasaherong lulan ng multicab galing sa panonood ng programa sa Ramon  Magsaysay Technological University, Botolan campus  nang sumabog ang isang gulong  ng deli­very van ilang metro mula sa Bucao bridge sa lugar sanhi ng banggaan.    

vuukle comment

ROMULO MANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with