^

PSN Palaro

Racal vs Cignal sa kampeonato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naisaayos ng Racal at Cignal-San Beda ang kanilang pagtutuos sa finals matapos dispatsahin ang kani-kanilang karibal sa PBA D-League do-or-die semis game kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sumampa sa finals ang Tile Masters nang iselyo nito ang 78-74 panalo laban sa Cafe France sa Game 3 ng kanilang best-of-three semifinal series.

Agad namang sumunod ang Cignal-San Beda nang ikonekta ang 88-65 tagumpay kontra Tanduay sa kanilang sariling rubber match.

Nagtulong sina Jackson Corpuz at Allan Ma­nga­has sa huling sandali ng laro para dalhin ang Tile Masters sa panalo.

Kumana si Corpuz ng umaatikabong tres kasunod ang three-point play na siyang nagdala sa Racal sa 75-72 abante, may 39.5 segundo pang nalalabi.

Bumato pa si Mangahas ng isang tres sa huling 4.3 segundo na siyang na­ging matatag na pundas­yon ng Tile Masters tungo sa panalo.

“I just trusted them. Buti na lang, I picked the right people in the endgame,” wika ni Racal coach Jerry Codiñera na hinatak ang kanyang tropa sa kauna-unahang pagkakataon.

Nagtala si Salado ng kabuuang 16 puntos, wa­long assists at anim na rebounds habang naglista si Mangahas ng 5-of-7 sa three-point area para tumapos ng 15 markers.

Nagdagdag naman si Rey Nambatac ng 11 puntos, limang boards at tatlong assists samantalang gumawa si Sidney Onwubere ng 10 markers at piton rebounds.

 Lalaruin ang Game 1 ng best-of-three championship series sa pagitan ng Tile Masters at Hawkeyes bukas sa parehong venue.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with