^

Police Metro

Mister dedo sa karne ng aso

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos makakain ng karne ng aso na may rabies, sa Banga, South Cotabato, kamakalawa.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Rowena, na 17 taon na ang nakakalipas nang makagat ng aso ang kanyang mister na si Joan Jarloc at mahilig ito umanong kumain ng karne ng aso.   

Noong na­kalipas na linggo,  matapos kumain ng karne ng aso ang biktima ay napansin ng misis na nag-umpisa na itong magwala na tila nawalan ng katinuan ang pag-iisip.

Napansin din nito na nanlilisik ang mga mata at takot sa tubig at liwanag kaya agad nila itong dinala sa ospital para magamot at nitong Biyernes ng alas-6:00 ng gabi ay binawian na ito ng buhay.

Ipinaliwanag ni Koronadal City Veterinarian Charlimagne Calo na hindi ibig sabihin na ligtas nang kainin ang karne ng aso kahit na ito ay naluto nang maigi, lalot nakagat na pala umano ng aso ang biktima kung kayat posible na tinamaan na ito ng rabies na dahilan ng pagkamatay nito.

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with