^

Pang Movies

Aljur dedma pa rin kay Robin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa rin daw nakikipag-usap si Aljur Abre­nica kay Robin Padilla tungkol sa pagbubuntis ni Kylie Padilla.

Ang sabi ng isang malapit sa mag-ama, malaki ang dapat ipagpasalamat ni Aljur dahil nag-mellow na si Robin.

Wala raw sa bokabularyo ni Robin na maging hadlang sa relasyon ni Kylie kay Aljur dahil nakikita niya na happy ang kanyang anak sa piling ng live in partner nito.

Maja at Paulo may gustong patunayan sa pelikula

Happy na siguro sina Maja Salvador at Paulo Avelino dahil ibinalik sa selected theaters ang kanilang pelikula na I’m Drunk, I Love You.

At least, hindi nabalewala ang kanilang apela sa mga kinauukulan na bigyan ng extension ang sho­wing ng pelikula nila.

Narinig ko ang balita na co-producer si Paulo ng I’m Drunk, I Love You kaya alam na kung bakit masigasig siya sa kanyang panawagan na huwag i-pull out sa mga sinehan ang movie project nila ni Maja.

Nakatulong din ang good reviews sa I’m Drunk, I Love You dahil diumano, nadagdagan ang viewers sa second week ng pelikula sa mga sinehan.

Senador na kampi kay Sen. De Lima, negang-nega na

Sa maniwala kayo o hindi, dinededma ng maraming Pinoy ang mga television interview sa isang senador na kampi kay Senator Leila de Lima.

Nasira ang kredibilidad ng senador na negatibong-negatibo na ang image kaya hindi na pinapanood ang mga interbyu sa kanya.

May-I-watch lang ng televiewers ang pag­da­kip kay De Lima sa senado noong Bi­yer­nes pero pagkatapos nito, dedma na ang madlang-bayan dahil sa kanilang katwiran na they have better things to do.

Kumbaga sa isang teleserye, bagsak ang ra­ting ng mga news program kapag ang dalawang senador ang ibinabalita nila dahil hindi na pinaniniwalaan ng mga Pilipino ang kanilang pralala.

Maine binagayan ng Sinag

Sinag ang name ng karakter ni Maine Mendoza sa Destined to be Yours ng GMA-7 dahil nagbibigay siya ng good vibes sa pamilya at mga kaibigan niya.

Tagalog na Tagalog ang pangalan na Sinag na bagay na bagay sa bubbly personality ni Maine.

Two years na ang nakalilipas buhat nang sumikat ang AlDub loveteam sa kalyeserye ng Eat Bulaga pero maingay pa rin ang pangalan nina Maine at Alden Richards dahil hindi sila kagaya ng ibang mga showbiz loveteam na yumabang at feeling sikat.

Dating sexy star mabilis na nalaos

Nawalan ng television assignment ang isang former sexy star dahil lumobo ang kanyang katawan.

Nagpabaya ang aktres kaya ibinigay sa ibang artista ang role na dating ginampanan niya.

May pagkakamali ang aktres dahil naging kampante siya. Hindi niya inalagaan ang sarili kaya nalosyang siya at puro mother roles na ang offer sa kanya, hitsurang bagets pa siya.

Maligalig din siya dahil may-I-share niya sa social media ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay na ikina-turn off ng fans.

vuukle comment

ALJUR ABRE­NICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with