^

PSN Showbiz

FEU inilaglag ang NU; UST nilapa ang Adamson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinaamo ng Far Eas­tern University ang National University, 25-20, 25-13, 22-25, 25-20  upang masik­wat ang ikatlong panalo sa UAAP Season 79 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan ni Toni Rose Basas ang Lady Tamaraws nang kumana ito ng 20 puntos mula sa 17 attacks, dalawang aces at isang block habang nakakuha rin ito ng solidong suporta mula kina team captain Remy Palma at open hitter Bernadeth Pons.

“Marami kaming errors lalo na sa services namin nung third set kaya nakuha nila. Mabuti na lang mabilis kaming naka-recover nung fourth set,” wika ni Basas.

Napaganda ng Lady Tamaraws ang rekord nito sa 3-2 habang lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan ang Lady Bulldogs para mahulog sa parehong rekord at pagsaluhan ng dalawang koponan ang ikaapat na puwesto.

“Sana maging magandang simula na ito para sa mga susunod na laro namin,” pahayag ni FEU coach Shaq Delos Reyes.

Sa unang laro, sinakmal ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 25-13, 25-12, 25-9  para makuha ang kanilang ikalawang panalo sa limang laro.

Mabangis si team captain Cherry Ann Rondina na nagtala ng 15 puntos habang nagdagdag sina EJ Laure at Alina Bicar ng tig-anim na puntos para pamunuan ang ratsada ng Tigresses.

Nakapagtala ng 31 kabuuang attacks ang UST habang mas matikas din ang inilatag nito sa service area matapos magtarak ng 14 aces gayundin sa net defense bitbit ang pitong blocks.

Wala pa ring panalo ang Lady Falcons sa anim na laro.

Sa men’s division, naitakas ng Growling Tigers ang pukpukang 30-28, 23-25, 25-23, 10-25, 15-12 panalo laban sa Soaring Falcons habang nanaig naman ang Bulldogs sa Tamaraws, 25-20, 25-22, 25-23.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with