^

PSN Opinyon

People powerrevolution

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Sa tingin ko, karamihan sa ating mga kababayan ay kinalimutan na ang kuwento at diwa ng people power. Para sa mga kabataan ito ay kailangan nilang malaman o mapag-aralan kung ano ang nangyari noon sa ating bayan. Sa mga kabataan na hindi pa isinilang sa mundo noong panahon ng EDSA revolution, dapat maipaalam sa kanila ng kanilang mga magulang o kaya’y mga guro ang mga di-kanais-nais na pangyayari noong tayo ay napailalim sa rehimeng Marcos. Ako at ng aking pamilya ay hindi malilimutan ang nangyari noon sa ating bayan. Pinatalsik ng taumbayan ang diktador at kanyang pamilya.

Ngayon kung maaalala n’yo, ang diktador na si Ferdinand E. Marcos ay tinanong ng isang isang TV broadcaster ng US kung kailan tayo magkakaroon ng election at agad niya itong sinagot ng ora mismo at nagkaroon nga tayo ng snap election, kung saan si Corazon Aquino ang nanalo. Dito na nag-umpisang bumalik ang kalayaan natin at nagkaroon ng demokrasya sa bansa. Sa utos ni dating Pres. Cory Aquino binago ang Saligang Batas noong 1987. Nakapaloob dito na bigyan lang ng anim na taong termino ang President at Vice President at nagkaroon na rin tayo ng Korte Suprema at Kongreso.

Ngayon nakabalik na sa Pilipinas ang pamilya ng diktador at gusto pang bumalik sa mataas na puwesto sa lipunan. Gusto na uli magpalakas ng puwersa sa gobyerno. Si President Digong ay malaki ang utang na loob sa mga Marcos sapagkat tinulungan siya noong nangangampanya. Alalahanin n’yo sinabi niya noong siya’y nagtungo sa China na si Bongbong Marcos ang susunod na Vice President ng ating bansa na tinalo naman ni Leni Lobredo.

Hindi ko kailan man susuportahan ang anak ng diktador sa ating bayan. Gusto na naman ba nating maraming magbuwis ng buhay. Tama na sobra na! “Never Again!”

vuukle comment

EDSA REVOLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with