^

PSN Opinyon

Masama na naman ang kundisyon ng bus?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Sa ginagawang imbestigasyon sa bus na nawalan ng kontrol sa Tanay, hindi raw nakapagpreno ang drayber kaya bumangga sa poste ng kuryente. Labinlima ang mga namatay at marami ang nasugatan. Ang bus ay inarkila para dalhin ang mga mag-aaral sa field trip/camping. Walang marka ng gulong sa bahagi ng kalsada, kaya ibig sabihin ay hindi nakapreno ang bus. Ayon pa sa mga saksi, pagewang-gewang na ang bus bago bumangga sa poste. Masama na ba ang kundisyon ng bus at hindi pinaayos ng kompanya? Lumalabas din na tila sinadyang ibinangga ng drayber ang bus sa poste at tumpok ng  lupa, para hindi tumuloy sa bangin. Kung ganun ang nangyari, mas maraming naligtas na buhay.

Pero ano ang naamoy ng mga pasahero na sunog na goma, at pag-init umano ng sahig ng bus bago nagpagiwang-giwang na? Sa ngayon ay lumalabas na naman na masama ang pag-aalaga sa nasabing bus, kaya umabot na naman sa malagim na aksidente. Ngayon, kanya-kanyang opinyon at panukala na naman, na dapat ay noon pa ginawa. Hindi naman ito ang unang aksidente kung saan sangkot ang bus. Hindi rin ito ang unang field trip ng mga mag-aaral na nauwi sa trahedya. Noong 2014, anim na mag-aaral ang namatay nang bigla silang inanod matapos ang malakas na ulan sa Bulacan. Pinag-aaralan ngayon ng PNP kung kakasuhan ang kumpanya ng bus at ang paaralan.

Sinuspindi naman ng CHED at DepEd ang field trips ng mga paaralan. Ayon sa mga mag-aaral ng Bestlink Colle-ges, required daw ang sumama sa field trip, kaya marami ang napilitang sumama. Dapat ba required ang ganitong field trip? Pinapirmahan pa raw ng paaralan ng mga waiver ang mga mag-aaral. Kung required pala ang field trip, dapat ang paaralan ang mananagot sa mga mag-aaral, at hindi pinapipirmahan ng waiver. Hindi puwedeng sabihin na required, tapos wala na silang pananagutan kung may mangyari.

Naiintindihan ko ang kahalagahan ng mga field trip para sa mnga mag-aaral. Pero dapat ginagawa ng paaralan ang lahat para maging ligtas ang mga mag-aaral mula sa peligro. Alamin ang mga sasakyan na aarkilahin kung nasa maayos na kundisyon, at huwag umasa lang sa kompanya. Alamin din ang mga drayber kung matagal nang nagmamaneho. At higit sa lahat, maging responsable sa kalsada. Hindi na baleng mabagal ang takbo, basta’t makarating nang ligtas. 

 

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with