^

Metro

2 dayuhang studes, tiklo sa marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang estudyanteng dayuhan na kinabibilangan ng isang Indian at isang Nepali natio­nals dahil sa paghitit ng marijuana sa loob ng inuu­pahang condominium unit, Huwebes ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga dinakip na sina Hygin Bernick Nicholas Kennedy, 20, tubong Tirunelveli, India at naninirahan sa Tower A Room 903 Isabele de Valenzuela, Brgy. Marulas; at si Pukar KC, 22, tubong Kathmandu, Nepal    at naninirahan sa Fini Homes S7-106, Brgy. Marulas.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nakatanggap ng reklamo sa telepono ang guwardiya ng Isabel De Valenzuela bldg. ukol sa amoy ng marijuana sa hallway ng ika-9 na palapag ng gusali. 

Nang puntahan ang lu-gar, dito nadiskubre ang dalawang suspek na humihitit ng marijuana sa loob ng unit ni Kennedy. Agad na inaresto ng mga guwardiya ang dalawa at kinumpiska ang isang plastic sachet na may laman na pinatuyong dahon ng marijuana at mga paraphernalia.

Nakaditine ngayon sa Valenzuela City detention center ang dalawang dayuhang estudyante at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DAYUHANG STUDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with