^

Kutob

Pebrero 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang katapatan ng Manlilikha ko ang pinanghahawakan ko. Tahimik at masaganang bukas ang laan niya sa sinumang kumikilala at nagtitiwala sa kanya.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Huwag labis na magpokus sa isang bagay, mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagaan nito. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil may mamamangka sa dalawang ilog at ang isa ilog ay ikaw. Sadyang ipinagkaloob ang pag-ibig at walang masama kung umibig. Ang masaklap lamang kung magiging biktima ng salawahang pag-ibig, lalo na kung may pananagutan na sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 37, 42 at Jade Green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat at maging alerto para hindi maulit ang nagdaang pagkakamali. Nasa linya mo ngayon na maulit ang nagawang kamalian sa nakaraan at kung mangyayari, sinasadya mo na ito. Humingi ng payo sa higit na nakakaalam para magkaroon ng gabay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 24, 38 at Brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Iwasan na magmukmok sa isang tabi kung may problema, dahil walang mangyayari at panay sisi lamang ang maiisip. Sa halip na magmukmok, gumawa ng kahit anong bagay samantalang mag-iisip kung ano ang solusyon sa problema. Mamamangha ka sa resulta dahil may magandang solusyon kang mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 34, 41 at Pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi ngayon ang panahon para makamit ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa dahil nasa tamang landas ang lahat  kung daragdagan ang sipag at tiyaga. Walang bayad ang ma­ngarap at makakamit lamang ang tagumpay kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 27, 33 at Orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mahalaga ang nagkakaisa sa tahanan at maging sa kasamahan at kaibigan. Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 23, 41 at Yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Anuman ang gawin ngayon, ang lubos na pag-iingat ay huwag kalimutan. Ang pinakamahalaga ay kaligtasan ng sarili at kapwa. Kung nagmamaneho ng saksakyan, huwag tatanga-tanga. Gamitin ng maayos ang mata, tainga, paa at kamay. Konsentrasyon ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 44 at Purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mabisang sandata laban sa mga naiinggit ay disiplina sa sarili, hinahon at pasensya. Kung alam na may naninira, huwag pansinin dahil inggit ang dahilan. Lalong pag-ibayuhin ang ginagawa at makikita na lalong giginhawa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 36, 42 at Blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hindi na kailangang lumayo para maging masaya dahil ang tahanan ay siyang magdudulot nito. Iwasan ang lumabas ng tahanan lalo na sa gabi. Huwag paunlakan ang anumang uri ng paanyaya ng barkada o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 34, 37 at Red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masasakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at Violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaa­ring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at Indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan ang landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at Maroon.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with