^

Police Metro

Grijalba nagbanta

Pang-masa

DAET, Camarines Norte, Philippines — Nagbunga ang maagang pagdating ni Fernando Grijalba sa Pinas para pag-aralan ang ruta ng Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 kasama ang kanyang matalik na kaibigan.

Sa ikatlong araw ng karera, nagamit ni Grijalba ang kanyang nalalaman sa unpredictable na kurso ng karera para pangunahan ang Stage 3 ng four-day bikathon para makalapit sa yellow jersey na simbolo ng overall leadership.

Ang  26-gulang na sprinter mula sa Kuwait Cartucho.Es ay kumalas sa matuling grupo para pangunahan ang mala-king grupo sa sprint finish para sa kanyang unang  career stage victory.

“I just kept my pace and attacked in the final kilometers because I know it’s hilly,’’ sabi ni Grijalba mula sa Laguna de Duero na isang maliit na bayan sa bahaging norte ng Madrid.

Hindi siya humiwalay sa kanyang kababayang si Edgar Nieto ng 7Eleven-Road Bike Philippines sa Dagupan City sa loob ng 10-araw bago ang  karera at sabay ng kanyang kaibigan sa halos kabuuan ng 177.35-kilometer high-velocity chase kahapon mula sa Naga City para tuparin ang kanilang plano.

Dumating si overall leader Daniel Whitehouse ng Terrenganu Cycling Team na may layong 1:27 sa malaking grupo ng riders na kinabibila-ngan ni  Filipino climb specialist Mark Galedo ng 7Eleven-RBP sa four-day race na suportado ng  Petron, UPS, Philippine Airlines, Advanced Solutions Inc., Cargohaus Inc., CCN Sports Philippines, IWMI, NMM Customs Broker, Phenom Sportswear, UFL Philippines at WARM.

“There were attacks on the road but we were able to protect the yellow jersey,’’ sabi ni Whitehouse. “I’ll do whatever it takes to defend it tomorrow.’’

Inunahan ni Grijalba si Benjamin Hill ng Attaque Team Gusto at Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling sa fi-nish line  ngunit pareho ang kanilang oras na four hours, 14 minutes at three seconds kasama ang 13 pang riders.

Mula sa fourth overall, si Grijalba ay umangat sa pangalawa sa general classification at ang da-ting two-minute na layo  kay Whitehouse of Terrenganu Cycling ay 23 segundo na lamang.

Bumagsak si Hill sa third ngunit nagawa ng Australian  na makalapit kay Whitehouse  na may 24 segundo na lang ang layo.

Si Suzuki ay bumagsak sa fourth ngunit nakalapit ng 27 segundo na lang kay Whitehouse, kasunod sina Salvador Guardiola ng Team Ukyo, 2015 champion Thomas Lebas ng Kinan Cycling at Edgar Nieto ng 7Eleven-RBP, na may distansiyang 37 segundo.

 

 

 

vuukle comment

GRIJALBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with