^

Police Metro

ASG spotter utas sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang notoryus na spotter ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa engkuwentro sa law enforcement operation ng security forces sa Tawi-Tawi kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-5 ng hapon nang mangyari ang engkuwentro sa Bakungan, Turtle Island, sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Al Abdullah , isang spotter ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kaso ng  kidnapping for ransom  o mga potensyal na target biktimahin.

Nabatid na si Abdullah ay siyang may-ari ng bahay kung saan nagtatago  ang mga kasamahan nitong bandido.

Bago ito ay inimbitahan ng mga operatiba ng Joint Task Force Tawi-Tawi si Abdullah sa kanilang himpilan kung saan kinuwestiyon ito kung kasapi ng mga bandido dakong alas-2 ng hapon at ikinanta naman ang mga kasamahan nitong sina Musub Baudin,  Man Baudi at isang alyas Absar.

Gayunman, bandang alas-5 ng hapon ay nagpaalam si Abdullah na uuwi muna pansamantala  sa kanilang tahanan pero pagbalik nito ay armado na ng M16 rifle na pinaputukan ang security forces.

Nagkaroon ng maikling putukan na ikinasawi ni Abdullah matapos itong mapuruhan ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Narekober naman sa crime scene ang isang M16 rifle, mga bala at itinurnover na ang bangkay nito sa kaniyang pamilya.

“This is a big setback on the Abu Sayyaf Group as we continue to intensify the conduct of law enforcement operations along with the police and maximize intel monitoring to pre-empt kidnappings within our joint area of operations,”pahayag ni Maj. Gen. Carlito G. Galvez, Jr., Commander, Western Mindanao Command. 

vuukle comment

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with