^

Police Metro

7-anyos ni-rape slay ng 13-taong pinsan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit ng isang 7-anyos ng batang babae matapos itong matagpuang patay na sa isang madamong bahagi ng Brgy. Baluno, Zamboanga City, dakong alas-7 ng gabi kama­kalawa.

Pinagpupukpok ng bato sa ulo  hanggang sa mapatay ang biktima at hinihinalang hinalay pa ito ng kanyang 13 taong gulang na binatilyong pinsan, ayon sa inisyal na im­bestigasyon ng Zamboanga City Police.

Ang bangkay ng biktima na itinago sa pangalang Lenlen ay nadiskubre ng tiyuhin nito na si Ruben Francisco na agad namang inireport sa pulisya.

Ayon kay PO2 Agnes Mohajil may hawak ng kaso, malaki ang posibilidad na pinagpapalo ng bato sa ulo ang biktima na siya nitong dagliang ikinamatay.

Agad namang dinala sa himpilan ng Police Station 9 ng Zamboanga City Police ang 13 anyos na suspek na itinago naman sa pangalang Bimbo para isailalim sa imbestigasyon.

Si Bimbo ang huling nakitang kasama umano ng bata bago nadiskubre ang krimen.

Samantalang nakuha rin sa crime scene ang shorts ng biktima na may bahid ng dugo. Ang biktima ay wala umanong saplot sa ibabang bahagi ng katawan.

vuukle comment

PINSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with