^

Pang Movies

Sinaktan ni Justin Bieber takot magsampa ng kaso

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos na magparamdam ulit ni Justin Bieber sa social media, ngayon ay inimbestigahan siya dahil sa diumanong gulo na ginawa nito sa isang Hollywood restaurant.

Rumesponde ang Los Angeles police sa isang battery report sa Serafina Sunset restaurant along Sunset Boulevard around 2:00 AM.

Ayon sa mga witnesses, nakita ang Canadian pop star na si Justine Bieber na may kaaway na dalawang bartenders sa loob ng resto.

Pinapaalis na raw ang singer sa naturang resto pero magmatigas ito.

Hindi lang daw iyon ang ginawa ni Bieber dahil may customer daw itong nasaktan sa pag-headbutt nito rito.

Ang nasaktan na customer ay nag-decline na mag-file ng police report at tumanggi sa medical treatment. Maging ang dalawang bartenders na nakaaway ni Bieber ay hindi na rin daw nag-file ng report.

Nagbigay na ng statement ang spokeswoman ng naturang resto tungkol sa naganap na insidente.

Pero patuloy pa rin na gagawin ang imbestigasyon sa nangyari.

Hindi ito ang unang beses na masangkot si Bieber sa gulo sa California. Noong 2014, a woman declined to file misdemeanor charges sa singer pagkatapos nitong hablutin ang kanyang cellphone sa isang miniature golf course in Sherman Oaks.

That same year, nag-plead to “no contest” sa kasong vandalism si Bieber noong pagbabatuhin niya ng itlog ang bahay ng kanyang neighbor sa Calabasas. Pinagbayad siya ng $80,000 in restitution.

Sheena pang-bff na lang

Ten years na ngang best friend si Sheena Halili sa iba’t ibang aktres ng Kapuso Network.

Simula pa noong mag-teleserye si Sheena, best friend na talaga ang naging role niya at wala naman daw siyang naging reklamo dahil hindi nga naman siya nawawalan ng trabaho.

Nagsimula raw siya sa kanyang best friend role kay Katrina Halili sa Marimar noong 2007. Simula noon ay naging BFF na siya sa mga teleserye na LaLola, Rosalinda, Zorro, Full House, Panday Kids, Diva, Bantatay, Dwarfina, Tweets for my Sweets, The Rich Man’s Daughter, Destiny Rose at Poor Señorita.

Sa Destined To Be Yours ay balik best friend si Sheena kay Maine Mendoza.

Aminado si Sheena na excited siyang maging BFF sila ni Maine sa naturang teleserye dahil naging avid AlDub fan daw siya.

LJ at Paolo ayaw makiuso sa kasalan

Uso ang mga proposals sa mga celebrities ngayon. May kung anu-anong klaseng paandar ang proposals ng iba. Pero para sa magkarelasyon na LJ Reyes at Paolo Contis, wala pa raw magaganap na anumang proposal.

Si LJ na ang nagsasabi na hindi pa raw siya handa sa pagpapakasal at pinagpaplanuhan daw lahat ‘yan.

“Ang ganyan, step by step ‘yan. Hindi mo naman pwedeng madaliin kasi hindi naman pwedeng kunyari okay kayo tapos pakasal na bukas.

“Kailangan ang relationship tinatrabaho at huwag natin madaliin ang kasal,” diin pa niya.

Tinuturing nga niyang magandang influence si Paolo sa kanya. Ang nagustuhan niya pa ay ‘yung sense of security at protection kapag kasama niya si Paolo.

vuukle comment

JUSTIN BIEBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with