^

Probinsiya

Rider sumalpok sa poste, dedo

FIRST PERSON - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Basag ang ulo at agad namatay ang 43-anyos na rider makaraang bumangga ang kanyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Purok 4, Brgy. Bariis sa Legazpi City, Albay kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Ernesto Marigondon ng Castilla, Sorsogon na sinubukan pang isugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital subalit idineklarang patay. Ayon sa police report, inumaga ang biktima sa pakikipagsayawan kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo kaya hindi nito napansin ang pakurbang highway saka sumalpok sa bakal na poste ng kuryente. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Public Safety Office ng Legazpi City kung saan dinala sa ospital pero dineklarang patay.

vuukle comment

ERNESTO MARIGONDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with