^

Bansa

Taguig kinilala sa epektibong programang pang-nutrisyon

CTALK - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa tatlong magkakasunod na taon ng mahusay na pagsasagawa ng mga programang pang-nutrisyon, ginawaran ang lungsod ng Taguig ng Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) award sa 2016 National Nutrition Awarding Ceremony na ginanap sa Philippine International Convention Center noong December 13, 2016.

 Tinanggap para sa lungsod nina Taguig City Nutrition Office head Julie Bernabe, City Health Officer Dr. Isaias Ramos, at Councilor Rodil “Tikboy” Marcelino ang CROWN trophy at P500,000 cash prize na iginawad ng National Nutrition Council.

Iginagawad ang CROWN award sa lokal na pamahalaan na mayroong matagumpay na mga programa at planong pang-nutrisyon sa tatlong magkakasunod na taon. Labing-isa lamang na lokal na pamahalaan ang nabigyan ng nasabing parangal ngayong taon, at Taguig lamang ang nakasama sa mga pinarangalan sa National Capital Region.

Ayon kay Bernabe, ikinagalak ng buong lungsod ang nakamit nilang parangal, “Ang parangal po na ito ay bunga ng pagtutulu­ngan ng iba’t ibang departamento ng lokal na gobyerno. Naging posible ang pagkamit natin dito dahil sa tulong ng ating punong lungsod, 43 barangay nutrition scholar, ang City Nutrition Committee, mga barangay captain at mga leader na nagpapalaganap ng ating mga programa.”

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with