^

Metro

8-anyos naiwang tulog sa kotse, patay

BREAKTHROUGH - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang batang babae ang hinihinalang nakalimutang gisingin at ilabas ng sasakyan mula sa pamamasyal ang natagpuang patay makalipas ang isang araw sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Wala ng buhay nang matagpuan ang bikti-  mang si Jana Jumanda, 8, grade 3 pupil sa Benigno Aquino Elementary School at residente ng Block 15-B, Brgy. 649, District V, Baseco.

Dahil sa insidente nakapiit na sa Manila Police District-Homicide Section ang driver ng sasakyan at tiyuhin ng biktima na si Victor Papa, residente ng lugar, para sa ihaharap  ng reklamong negligence at reckless imprudence resulting in homicide.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo  ng Homicde Section, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa nang matuklasan ang biktima sa likurang bahagi ng kulay gray na KIA Picanto (AA1-5704) habang nakaparada malapit sa bahay ni Papa.

Nabatid na bago matagpuang patay ang biktima, kasama siya ng mag-asawang Victor at Joan Papa  na tumatayong guardian niya at iba pang pamangkin sa pamamasyal noong Enero 3.

Hindi umano pag-aari ni Victor ang kotse na hiniram lamang sa kaniyang bayaw na malapit sa kanilang bahay sa Block 14.

Ilang oras ang pamamasyal hanggang sa magsiuwian na sila at isinoli na ni Victor ang sasakyan.

Tinakpan pa ang sasakyan ng canvass na lona at natulog na sila.

Sa sobrang pagod marahil ay hindi na napansin ang kaniya-kaniyang baba ng sasakyan at hindi natiyak kung kumpleto ang bumaba.

Nang hanapin ang bata kinabukasan ay hindi nila matagpuan hanggang sa tanungin ang isang babaeng pinsan na 6-na taong gulang na nagsabing posibleng naiwan umano sa loob ng kotse ang biktima na katabi niyang nakatulog habang sila ay nagbibiyahe.

Sa puntong iyon ay agad inalam ang kinaroroonan ng bata at nakitang patay na ito.

Nabatid na hindi na lumulutang ang mga magulang ng biktima sapul  pa noong 2 taong gulang pa lamang ito kaya tumayong guardian niya ang suspek at misis na si  Joan, na kapatid ng biological father ng biktima.

vuukle comment

MAYNILA

PORT AREA

BASECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with