^

PSN Palaro

Blatche nais pang maglaro sa Gilas

COMMONSENSE - Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gusto pa rin ni Andray Blatche na maglaro para sa Gilas Pilipinas bilang naturalized player para sa mga darating na major FIBA tournaments.

Ipinaramdam ni Blatche, naglaro sa Gilas noong 2014 World Cup, 2015 FIBA Asia Championship at 2016 FIBA Olympic qualifier, ang intensyon na muling mapasama sa Gilas team sa reaksyon niya sa Instagram post ni Gilas coach Chot Reyes.

Ipinoste ni Reyes ang isang FIBA photo ni Jason Castro at binanggit ang “The Blur” bilang best point guard sa Asia.

Ginamit ang kanyang sariling Instagram account draylive, isinulat naman ni Blatche ang: “@jaywill_17 (Castro) come on back and while yal at it bring back Blatche.”

Sinabi ni bagong SBP president Al Panlilio na isa sa kanyang mga plano ay ang pagkakaroon ng isang training pool na may dalawa hanggang tatlong naturalized players para palagian silang may maipaparadang naturalized center sa bagong home-and-away-games format ng FIBA competitions.

Ayon kay Panlilio, ikinu­kunisidera pa rin nilang kunin si Blatche, isang nine-year NBA veteran na naglalaro ngayon sa Chinese league.

Si Blatche ang ikala­wang Gilas naturalized player ng Gilas matapos si Marcus Douthit.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with