^

Punto Mo

‘Rapunzel’ ng China, 18 taon nang hindi nagpapagupit

NOTES FROM THE EU AMBASSADOR - Arnel Medina - Pang-masa

SA sobrang haba ng buhok ng isang 60-anyos na babae sa China ay doble pa ang taas nito kung ikukumpara sa kanyang height.

Labingwalong taon na kasi nang huling magpagupit ng buhok si Ni Linmei at simula noon ay humaba na ito ng 11 talampakan at 8 pulgada.

Ipinakita niya sa publiko kung gaano kahaba ang kanyang buhok sa lungsod ng Taiyuan sa hilagang bahagi ng China. Doon ay pinagkaguluhan siya ng mga tao dahil sa mala-Rapunzel na haba ng kanyang buhok.

Hindi madali ang pagkakaroon ng napakahabang buhok ayon kay Linmei. Ikinuwento niya ang minsang pagsabit ng kanyang buhok sa elevator at ang dalawang oras niyang ginugugol araw-araw para lang sa paghuhugas at pagpapatuyo nito.

Pangarap niyang magkaroon ng world record dahil sa kanyang buhok kaya nag-apply na siya sa Guinness World Records upang kilalanin ang kanyang buhok bilang pinakamahaba sa buong mundo.

Ngunit mukhang malabo na maging world record holder si Linmei dahil hawak pa rin ng kanyang kababayang si Xie Qiuping ang titulo.

Naitala ni Xie ang world record noong 2004 nang sukatin ng mga taga-Guinness ang kanyang buhok at napag-alamang 18 talampakan at 5.54 pulgada ang haba nito.

Matagal-tagal pa ang mga taong bubunu­in ni Linmei nang hindi nagpapagupit dahil inabot ang kanyang kababayan ng 31 taon bago nito naabot ang nasabing haba ng kanyang buhok.

vuukle comment

ARNEL MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with