^

Pang Movies

Pagpapatanggal ng ‘on behalf’ sa Star Awards, tinututulan

SEARCH FOR TRUTH - Letty Celi - Pang-masa

May nag-react sa item na “on behalf” na patungkol po sa mga nagka-award sa nakaraang Star Awards for M-TV 2016 ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na naganap last week (October 23). Kasi may ilang awardees gaya ni Alden Richards na no appearance. Sa apat na awards na kanyang napagwagian, kasi ‘pag wala ang awardee, either na may representative na ipinadala or mismong ang presentor ang tatanggap para hindi maging cause of delay ng programa, pero pagkatanggap ng receiver, natural sasabihin niya ang “on behalf”. Tama po ‘yun, kaya kapag marami ang awardee na non-appearance kapansin-pansin ang pamumulaklak ng salitang “on behalf”.

Hindi kasi uso sa atin na sa isang paligsahan na laging “sport” ka. Panalo ka man o talo, kung nominado ka ay dapat umapir ka sa isang okasyon na pinaghirapan, at laging isipin na kaya ka nominated sa isang paligsahan tulad ng Star Awards na hindi naman pipitsuging award giving body ay dahil magaling ang performance mo sa kategorya na pinaghugutan sa iyo. Huwag iisipin na hindi ka na lang dadalo sa okasyon dahil hindi sure na mananalo.

Pagiging komedyante ni Luis since birth

Nang makita ko si Luis Manzano sa Star Awards events, feeling ko mas doble ang kapogian ng actor/TV-host na ayaw paawat sa pag-angat ng kanyang career at kasikatan. Anyway, saan pa ba magmamana si Luis kundi sa tatay niya na si Edu Manzano na magaling na artista.

Siya yata ang original host ng mga game show sa TV at talagang kwela si Edu at ‘yan ang larawang makikita n’yo kay Luis.  

Parang kailan lang, hindi ko makakalimutan si Lucky (palayaw ni Luis) nu’ng baby boy pa lang siya. Nagpunta kami sa bahay ni Ate Vi (Former Batanggas Governor and now Congresswoman) Vilma Santos-Recto sa Magallanes Village para magbigay ng invitation ng PMPC.  

Si Lucky ang lumabas sa kanilang bahay na parang may barandilya. Humarap ang poging bagets ng naka-smile, kumaway, at ma-PR na noon pa man. Nakasuot ng pajama si Luis at bigla niyang ibinaba ang garter ng kanyang pants. Inilabas ang kanyang birdie, at saka umihi. Natuwa pa nga ako, buti na lang lumabas na si Ate Vi na bagong gising. Ang ganda-ganda niya at wala pang hilamos.

Ngayong araw ng mga patay…

Basta 6:00 p.m. ng November 1, prayers ang kailangan for all the souls in purgatory, souls of our dead loved ones, fiends, neighbors, at hindi kailangan na close tayo sa kanila,  dahil dapat ipagdasal natin lahat ng kaluluwa ng mga yumao na.

Ang unang artistang friend ko na namatay sa aksidente ay si Nelly Baylon, isang Sampaguita Pictures discovery, maganda siya at talagang may chance na maging Susan Roces at Amalia Fuentes.  

Magtirik tayo ng kandila sa harapan ng pintuan ng bahay, kasi sabi, ang mga kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay ay wala sa kanilang kinalalagyan sa kabilang buhay, namamasyal sila kasi nga araw ng kanilang kamatayan, fiesta ika nga, kaya papasyal sila at maggagala sa mga taong gusto nilang dalawin.

At pagsapit ng ika-6 ng gabi pabalik sa kanilang tirahan, sindihan ang kandila para tanglawan sila sa kanilang pagbabalik sa kanilang tahanan. Eternal rest in peace grant unto them, oh Lord, Amen.

vuukle comment

STAR AWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with