^

Pang Movies

Sylvester Stallone walang kupas ang suporta kay Pacman

AT GROUND LEVEL - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sylvester Stallone walang kupas ang suporta kay Pacman
Manny Pacquiao at Sylvester Stallone

Hindi pa rin nawawala ang paghanga ng Hollywood superstar na si Sylvester Stallone kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Noong mabalitaan ng star ng Rocky, Rambo, at The Expendable series na nagti-training ito sa Wild Card Gym in Los Angeles, California, agad itong bumisita kay Pacman para makibalita sa nalalapit nitong laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas sa November 6.

Isa si Sylvester Stallone sa paboritong aktor ni Pacman dahil sa mga ginawa nitong mga Rocky movies.

Ang pelikulang Rocky ay tungkol sa buhay ng boksingerong si Rocky Balboa.

“Manny, you’re the greatest fighter, better than Rocky Balboa. Thank God that I never had to fight you in the ring,” biro pa ni Stallone noong magpaunlak siyang magpa-interview.

Nagtagal nga raw si Stallone sa naturang gym dahil pinanood pa niya ang sparring ni Pacman. Pagkatapos ay nagpakuha pa ito ng litrato kasama si Manny.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binisita ni Stallone si Pacman. Noong nakaraang taon ay isa si Stallone sa bumisita kay Manny noong kasalukuyang naghahanda ito para sa laban niya kay Floyd Mayweather, Jr.

Chef Boy nakakuha may bago na namang award

Sobrang thankful ang TV chef at host ng Idol sa Kusina na si Chef Boy Logro sa mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya at sa kanilang show.

Kinilala si Chef Boy bilang Most Influential Chef ng Kung-Gihan Awards of 2016 from Lyceum University-Laguna.

“Parang isang panaginip na po kasi nga hindi ko ini-expect na makatanggap ako ng ganito kasi iniisip ko nga Bisaya ako.

“And then, hindi ko akalain na na-appreciate nila ‘yung mga ginagawa natin,” ngiti pa niya.

Bukod sa kanyang parangal, pinarangalan din ang Idol sa Kusina ng Certificate for Creative Excellence from the US International Film and Video Festival at Excellence Award for Cooking Program mula sa Kung-Gihan Awards 2016 of the Lyceum of the Philippines University–Laguna.

Overwhelming daw ang mga parangal na natatanggap ng show nila.

“Hindi ko akalain na international at sa Pilipinas nari-recognize ka bilang isang houseboy, elementary graduate lamang at itong narating ko para mag-international na.

“Tinatanong ko nga si Lord, puwede palang ganoon. So wala talagang imposible kapag nagbigay siya ng biyaya.

“Lahat ng ‘yan ay galing po sa Panginoon kaya nagpapasalamat ako sa US International Film Video Festival na nabigyan ng award at sa Lyceum na na-recognize na sa munting nagawa ko hindi ko akalain na ganoon kalawak ang aking matanggap kaya maraming salamat po.”

Mariah kinalasan ng bilyonaryong bf dahil sa back-up dancer

Naging tahimik muna ang diva na si Mariah Carey noong kumalat sa social media ang pakikipag-break sa kanya ng kanyang billionaire fiancé na si James Packer dahil sa selos.

Pinagselosan diumano ng billionaire ang isang back-up dancer ni Mariah na si Bryan Tanaka. Noon pa raw nagseselos si James sa pagiging close ni Mariah kay Bryan. Ginawa pa raw nitong ipa-ban si Bryan sa Las Vegas show ng kanyang fiancée.

Pero noong mapanood daw ni James ang ginawang lap dance ni Mariah kay Bryan sa isang show nito sa Las Vegas, doon na nagalit nang husto si James at tinapos na nito ang engagement.

Nilinaw ng ilang sources sa People magazine ang naging dahilan ng pakikipag-break ni Packer kay Mariah. Sa naging bakasyon nila sa Greece last September kunsaan nagkaroon sila ng away dahil may kinalaman din si Bryan.

Ayon sa mga close friend ni Mariah, walang dapat na ikaselos si James kay Bryan dahil close friends lang daw ang dalawa.

Hindi rin daw nagustuhan ni James ang pagkakaroon ni Mariah ng reality show na Mariah’s World dahil masyado raw na-expose ang relasyon nila na siyang iniiwasan na ni James.

Balitang hindi raw babawiin ni James ang ibinigay nitong $10 million diamond engagement ring kay Mariah.

Nitong nakaraang Halloween weekend, nagdamit ng black lace up top si Mariah na nakayakap sa isang kaibigan at ipinost sa social media.

 

vuukle comment

SYLVESTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with