^

PSN Palaro

BaliPure, Customs nakatutok sa huling dalawang semis seat

COMMONSENSE - Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hangad ng BaliPure na masungkit ang ikatlong tiket sa Final Four sa pagbangga sa Laoag ngayong gabi sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Water Defenders at Power Smashers sa alas-6 ng gabi, habang maghaharap ang Bureau of Customs at Philippine Coast Guard sa alas-4 ng hapon.

Nasa ikatlong puwesto ang BaliPure hawak ang 3-1 baraha sa ilalim ng nangungunang University of Santo Tomas na may 5-1 baraha at pumapangalawang Pocari Sweat na may 4-1 marka.

Nauna nang nasikwat ng Tigresses at Lady Warriors ang unang dalawang silya sa semis.

Nakasakay ang BaliPure sa tatlong sunod na panalo kasama ang 25-13, 25-23, 25-17 demolisyon laban sa University of the Philippines sa kanilang huling laro.

Matibay na nasasandalan ng Water Defenders si Ame­rican import Katherine Morrell katuwang si setter Kaylee Manns at ang locals na sina Dzi Gervacio, Mae Tajima, Cha­ro Soriano, Amy Ahomiro at Ella De Jesus.

Taliwas ito sa kasalukuyang kinalalagyan ng Power Sma­shers na nakatikim ng tatlong dikit na kabiguan upang ma­hulog sa 2-4 marka.

Kinakailangan ng Laoag na magwagi sa kanilang hu­ling dalawang laro para buhayin ang pag-asang makapasok sa semifinals.

Nanggaling ang Laoag sa 13-25, 20-25, 24-26 pag­yuko kontra sa Pocari noong Lunes.

Pangunahing pinagkukunan ng lakas ng Power Sma­shers sina Grethcel Soltones at Jorelle Singh subalit na­limitahan ang dalawang mahusay na open hitters sa kanilang huling laro.

Nagkasya sa 10 puntos si Soltones, malayo sa kanyang 20 plus points kada laro, habang umiskor lamang ng siyam si Singh.

Papalo rin para sa koponan ng Laoag sina Wenneth Eulalio, Katherine Villegas, Jessica Galanza, Jovielyn Pra­do at setter Chie Saet.

Ang Customs ay umaasang makakabangon sa kabiguan sa kamay ng Pocari, 22-25, 22-25, 14-25, kaya’t ilalabas ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang buong lakas katuwang sina Thai imports Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen.

vuukle comment

BALIPURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with