^

PSN Palaro

Posadas hangad ang tiket sa second round ng World Cup

INTROSPECTIVE - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpagulong si Philippine champion Lara Posadas ng 3086 pinfalls matapos ang 15 games para palakasin ang tsansa sa isa sa 24 tiket sa second round ng 52nd QubicaAMF Bowling World Cup international finals sa Hao’s Center sa Shanghai, China.

Naglista si Posadas ng average na 205.73 para pu­muwesto sa No. 16 matapos ang 10 games na nagdikit sa kanya sa iba pang women champions ng 68 bansa.

Kasalukuyan namang lumalaban si Raoul Miranda la­ban sa mga pintopplers ng 78 pang bansa.

Pinangunahan ni Bernice Lim ng Singapore ang la­banan sa women’s division sa kanyang 3349 pinfalls para sa 223.27 average.

 Pumangalawa si Nadine Geissler (3213) ng Germany kasunod sina Rebecca Whiting (3212) ng Australia, Jenny Wegner (3200) ng Sweden, Lisa John (3195) ng England, Danielle McEwan (3184) ng US, Posadas (3086), Sharon Limansantoso (3069) ng Indonesia, Ro­berta Rodrigues (3038) ng Brazil, Syaidatul Afifah (3006) ng Malaysia, Lisanne Breeschoten (3005) ng Ne­therlands at Iliana Lomeli (3004) ng Mexico.

Matapos ang 10 games ay umupo si Miranda sa No. 29 at kumpiyansang makakasama sa 24-man field sa second round.

Isa sa mga international champions ng bansa ay si Paeng Nepomuceno, ang tanging bowler na nanalo ng apat na beses na World Cup, ang namayapang si Lita de­la Rosa at sina Bong Coo at C. J. Suarez.

vuukle comment

LARA POSADAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with