^

Bansa

Batas na nagpapaliban sa Barangay, SK polls pirmado na ni Digong

SHOOTING STRAIGHT - Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapa­liban sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na itinakda sana sa dara­ting na October 31, 2016.

Pinirmahan ang naturang panukala habang nasa state visit ang Pa­ngulo sa Brunei.

Hinihintay na lamang ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kopya ng nilagdaang batas.

Magugunita na isi­numite ng Kongreso sa Malacañang noong October 3 ang enrolled bill na nagpapaliban sa pagdaraos ng Barangay at SK elections.

Sa ilalim ng inaprubahan ng Kongreso ay idaraos na lamang ang barangay at SK elections sa ?October 23, 2017.

Hindi pabor si Pa­ngulong Duterte na ituloy ang barangay elections dahil na rin sa pagkakasangkot ng mahigit 3,000 barangay chairmen sa illegal drug trade sa buong bansa.

Nangangamba si Du­terte na magamit ang drug money ng mga tatakbong barangay officials upang manatili sila sa poder.

 

vuukle comment

PA­NGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with